Joree POV
Magiisang linggo na pala magmula ng mangyari ang mala-aksyong nangyari sa 'min pero mas malupit pa sa aksyon yun dahil totoo 'yun. At kapag nagkamali buhay ang kapalit.
"Joree kailangang ituloy ang palabas natin!" Kanina pa nagiinit yung ulo ko dahil sa kakaganyan ni Direk.
"Sorry Direk pero kailangan kong ipahinga ang utak ko at katawan dahil sa mga nangyari." Nasapo nya na lang yung noo nya dahil dun.
"Bakit ba babantayan mo pa yung bod-
" Direk stop! the body guard you say, he saved my life! kaya pwede ba!" Napangisi sya ng hindi ko napigilang masigawan sya lalo nat sa harap nya pa.
"ALAM MONG ANDAMI-DAMI MO NG BALITA AT HEADLINE KANA DAHIL SA GWARDYA MO NA 'YAN!" Kanina pa 'ko napupuno bigkwasan ko kaya to?!
"Hindi ko na kailangan magpaliwanag sa kung anong iisipin ng ibang tao, dahil ikaw nga hindi makaintindi, sila pa kaya!" Sigaw ko at binitbit yung shoulder bag ko at naglakad paalis pero napahinto ako...
"Wala kang mapapala sa kanya, pero dito sa pagaartista mo meron." Mali ka! sabi ko sa isip ko habang nanatiling nakatalikod sa kanya.
"Sayo na ang career mo, sa 'kin ang mahal ko." Hindi ko na inantay ang sasabihin nya dahil naglakad na 'ko paalis.
Habang naglalakad ako papuntang parking lot hindi ko pinapansin yung mga taong pinagchichismisan ako. Nagbubulungan pa sila rinig na rinig naman mga abnoy. Sinusian ko yung kotse ko at pinaandar ko 'yun. Banggain ko kayo makita nyo e. Yes may sarili akong kotse pero madalang ko 'tong gamitin at nakatengga lamang sa garahe namin.
Pupunta 'ko uli sa ospital at balik sa nakaraang mga araw babantayan sya. Yes si hoodlum dahil magpahanggang ngayon natutulog parin sya sa ospital. Babatukan ko talaga sya kapag nagising sya dahil antagal nyang magising. Hindi nawawala yung pangamba at takot ko habang nakaratay parin sya dun tapos hindi pa nagigising. Okay na sya ligtas sya sa operasyon pero hindi pa sya nagigising mag-iisang linggo narin. Nilipat na namin sya dito sa manila nung maoperahan sya sa probinsya dahil kulang daw ang mga kagamitan nila dun at kailangang matignan sya dito.
Nagtataka lamang ako dahil walang pulis o investigator ang kumausap sa 'min tungkol dun sa nangyari. At bumabagabag parin sa 'kin yung sinabi nung kaibigan nyang babae na ako 'daw' yung target nila. Naalala ko sinabi sa 'kin nila Brianna na mahigit trentang mga armadong lalaki daw yung nakitang bangkay sa lugar na 'yun at bukod pa dun yung mga humabol sa 'min. Naniniwala akong hindi si Jairus ang gumawa nun dahil hindi nya kaya yun pero may parte sa 'kin na nagsasabing sya 'yun kahit malabo. Aysht ang gulo.
.............................
"Ho-hoodlum miss na miss na kita gumising kana kase dyan. Hindi na 'ko natutuwa alam mo ba 'yun? Hindi ko na tinuloy yung palabas namin para mabantayan ka. Para ka kaseng timang e hindi ka kumapit, nahulog ka tuloy. Gumising kana iku-kwento mo pa sa 'kin kung pa 'no ka at sa 'n ka nakakuha ng kalabaw na sinakyan mo. Nung oras na 'yun alam mo bang mahigit isang oras kang nawawala tas pagdating mo halos maubos na yung dugo mo, dapat nagpasipsip ka nalang ng dugo sa bampira para ayos." Para 'kong tanga dito habang kinakausap yung tulog. Wala 'kong pakielam kung magmuka 'kong tanga wala namang nakakakita e. Kanina ko pa din hinahalik-halikan yung likod ng palad nya at nagbabakasakaling maramdaman nya 'yun. Tumayo ako at sumiksik sa tabi nya, nang makahiga ako sa tabi nya niyakap ko sya.
Iniangat ko yung ulo ko at nakita ko yung maamo nyang muka.
"Bat ang haba ng pilik mata mo? Alam mo bang nakakaatract yung kilay mo na daig pa yung kilay ko? At yung ilong mong parang ilong ng toro." Natatawa kong sabi. Napahinto ako ng makita ko yung labi nyang parang nakanguso at parang may gustong ipahiwatig.
BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
ActionNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...