Twelve

0 0 0
                                    

Jairus POV

"Aalis kana magagawa mo kaya?" Naputol ang pagbabalik nakaraan ko dahil sa tanong ni tanda sa'kin kaagad ko syang nilingon ng walang ka emo-emosyon man lang.

"Tanda dalawang taon na magmula ng umalis ako sa pilipinas para sumama sayo at ngayon din ang araw para magbalik ako para labanan sila gagawin ko ang lahat para makuha ko ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya ko." Paliwanag ko.

"Hahayaan kita pagdating dyan. Pero isang babae ang sunod nilang biktima kaya kailangan mong protektahan kung sino man iyon." Sagot ni tanda.

"At sya din ang susi ko para mag kaharap kami ng mga taong may gawa sa pamilya ko nun." Sabi ko. Magmula ng turuan ako ni tanda isa sa mga tinuro nya ang paghaba ng pasensya at wag pagpapakita ng galit.
"Salamat sa lahat tanda sa pag tulong nyo sa'kin." Seryoso kong sabi.

"Gawin mo ang lahat yan lang ang bilin ko." Sabi ni tanda.

"Master, we have to leave because the pick-up is already there." Sabi ng kung sino kaagad kong nilingon kung sino yung tekwa nayun yung mag susunod lang pala sa'kin.

"Is that so, I'll follow." Naboboring kong sagot kaagad naman syang lumabas at sinarado ang pinto. Tumayo ako at tinignan si tanda.

"Tanda aalis na ako maglalaban pa tayo pagbalik ko." Seryoso kong sabi.

"Natalo mona ko ano pang gusto mo?" Natatawang sabi nya.

"Syempre Ikaw ang nagturo sa'kin kaya dapat naglalaban ang trainer at coach." Sabi ko sabay talikod at itinaas ang kanang kamay ko bilang pagpapaalam.

Ganyan talaga kami magusap nyan akala ko seryoso at strikto pero sobrang bait nyan at maloko din.

Kaagad akong sumakay ng eroplano ni tanda pauwing pilipinas.

Kaagad akong umupo at inayos ng tauhan ni tanda ang mga gamit ko.

Tumingin ako sa bintana at naramdaman kong umandar na ang eroplano kaagad kong sinukbit sa tenga ko ang headphone at tumingin sa bintana at sinandal ko ang aking ulo at nag isip.

Dalawang taon na magmula ng mangyari iyon sa pamilya ko pero sariwang sariwa pa ang lahat ng iyon na parang kahapon lamang nangyari.

Dalawang  taon ko naring hindi nabibisita ang pamilya ko sa sementeryo pero sinabi sa'kin ni tanda na pinaganda nya daw iyon at nasa maayos na ang lahat.

Dalawang taon narin magmula ng iwan ko ang mga kaibigan ko para harapin ang madaling kong kapalaran.

Dalawang taon din akong sinanay ng kung ano-ano ni tanda at dahil sa kanya naging ganito ako.

...

Naramdaman kong may tumatapik sa'kin na kung sino at unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko.

Nang dahil sa pag-iisip  ko hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Master, we are already here and they have also unloaded your belongings. And there is the motor you got." Sabi ng isang babae sa'kin.

"All right, let me go down, please tell Tanda, thank you very much." Seryoso kong sagot at bumaba na.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa hangin na sumalubong sa'kin.

Dalawang taon narin ng huli ko itong  maramdaman.

Nakita ko kaagad yung motor.

May kalumaan na sya pero malinis sya kaagad kong naalala ng ibigay sa'kin ni kyle to kung naaalala nyo pa.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon