Thirty

0 0 0
                                    

Jairus POV

"Master may tumatawag sa 'yo." Sabi ni Ariza sabay abot sa 'kin nung phone ko.

"Sagutin ko lang." Nag thumbs ups silang lima at hindi na 'ko lumayo at nanatili na lang sa pwesto ko. Pinindot ko iyon at itinapat sa tenga ko...

"Hello." Tinignan ko naman yung lima na seryoso lang na nakaupo habang nag-iintay ng order namin.

"Tol tapos na yung libing at pauwi na kami." Sabi ni Kyle sa kabilang linya.

"May lakad pa ba kayo?" Narinig kong tinanong ni Kyle yung apat at narinig kong wala naman daw.

"Tol wala, bakit?" Tanong ni Kyle.

"Pwede nyo ba 'kong puntahan dito sa mang inasal malapit dito sa NAIA." Nagtaka ako ng naputol yung tawag.

"Master here's the blessings!" Bumalik kaagad ako sa upuan ko dahil sa sinigaw ni Fiona.

Nagningning yung mata ko nung makita ko yung isang buong manok at kanin sa harap ko, tinignan ko yung sa kanila at ganun din yung kanila.

"Master may nakita kong babae dyan sa gallery mo sino yun?" May halong pang aasar yung tono nung pagtatanong ni Jessel.

"Binabantayan ko." Napakunot naman yung noo nila dahil dun. Sumubo ako nung kanin at isinunod yung kapirasong hita ng manok.

"Body guard?" Tumango-tango ako dahil sa sinabi ni Sealtiel.

"Master ka namin tapos tiga bantay kanun?! Edi inuutusan ka nun?! Asan yun hihilain ko yung buhok nun at isasakal ko sa leeg nya!" Natawa naman kami dahil sa inasta ni Shannice.

"May gusto din kaseng pumatay sa pamilya nila at tinulungan ko sila." Tumango-tango naman sila dahil dun.

"Eh bakit master may pic sya dyan sa phone mo, may hindi ba kami nalalaman."  Tanong ni Ariza at nag apiran pa silang lima habang tumatawa-tawa pa.

"Master wag mong sabihing nagkakagusto ka na dun ah wag kang mahiya kami lang to, tayo-tayo lang hindi malalaman ni tanda." Natatawang sabi ni Fiona.

"Walang hindi nalalaman si tanda Fiona, alam na nya Ikaw hindi mo pa nalalaman." Sumang-ayon naman kami dahil sa sinabi ni Shannice.

"Pero master ano nga pala pangalan nya?" Tanong ni Sealtiel.

"Joree Rozcom." Pagkasabi ko nun nagkalikot sya sa phone nya at ilang saglit napatango-tango sya.

"Wow girls ang ganda nya look!" Tumingin naman yung tatlo dahil sa sinabi ni Jessel.

Hindi ko sila pinansin habang nagtitingin-tingin sila nung picture ni Joree dahil kumakain ako.

"Master mag c-cr lang kami." Tumango lang ako dahil sa sinabi ni Shannice at sabay-sabay pa silang naglakad paalis.

Nagulat ako ng biglang bumukas ng pagkalakas-lakas yung pintuan at iniluwal nun yung limang kengkoy's at nagpalinga-linga sila at parang tarantang-taranta, natawa ako ng makita nila ako at kaagad nagtakbuhan palapit sa 'kin.

"Tol ano to?!" Nakuha namin yung atensyon nung mga kumakain dito sa loob dahil sa paghampas at pagsigaw ni Raymond.

"Kaaalis mo lang, aalis ka na naman?!" Sigaw din ni Kyle habang nakapamewang.

"Teka pag usapan natin to!" Abnormal na sigaw ni Covie.

"Limang maleta tapos, ikaw lang magbubuhat?!" Sigaw ni Paolo habang kinakagatan yung...

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon