Special chapter (2)

2 0 0
                                    

Joree POV

"Miss Hoodlum wala na po bang book 2?" Napangiti ako sa readers and fans ko habang nagbobook signing ako ng book na ginawa ko... Iniabot ko sa kanya 'yun at natawa ko ng magpa-puppy eyes sya sa 'kin at inaantay yung sagot ko...

"Gusto nyo ba ng book 2?" Kaagad silang nagsi oo matapos kong sabihin 'yun.

"Alam nyong artista din ako pero wag kayong mag alala pagiisipan ko." Nakangiti Kong sabi.

"Namatay na po ba talaga yung kapartner nyang lalaki?"

Napahinto ako dahil sa tinanong nung isang fans ko.

'Oo namatay sya at yun ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko.'

"Pa'no na po yung bidang babae?"

'Papano na nga ba 'ko?'

"Bitin po miss hoodlum."

'Ganun talaga pero anong magagawa ko kung wala na sya'

'Dahil ginawa ko yung kwento na 'yun kung sa 'n nagsimula ang lahat sa 'min ni Jairus hanggang sa maramdaman namin na mahal na mahal na namin yung isat-isa, magkasamang sinuong si kamatayan, magkasamang lumaban pero sa huli pangit ang kinalabasan'

"Season 2 pls!"

'Gusto ko ding gawan ng season 2 pero anong magagawa ko kung tapos na talaga ang storya ng buhay namin ni Jairus?'

"Guys siguradong may season 2!" Napatingin  lahat ng marinig namin ang sigaw na 'yun...

Yung mga kaibigan ni Jairus...

Na ngayon mga naging kaibigan ko na din matapos ang dalawang taon na masaklap na nangyari... Pero isa sila sa mga dahilan kung ba 't ako nakabangon... Kung sana nandito lang sya kumpleto at masaya sana kami ngayon.

"Ohmay sino sila, wait!"

"Shemay ang gu-gwapo!"

"Kaso may mga magaganda ng girlfriend!"

"No dyan kayo nagkakamali dahil asawa ko na 'tong babaeng 'to NYAHAHAHAHAHAH" Halakhak ni Jhared.

"Abnormal lang talaga 'to wag nyo na pansinin." Pag kausap naman ni Ariza sa mga fans ko na nakapila.

Halos ilang oras din at napasandal ako sa upuan ko ng matapos ang book signing at ngayon lamang akong nag pahinga.

"Mamaya babalik uli dito yung mga reporters para interviehin ka Joree A.K.A miss hoodlum." - natatawang sabi ni Raymond.

"At yung mga event na pupuntahan mo mamaya." - Jessel.

"Talagang pinandigan yung username nyang miss hoodlum e." - Kyle.

"Maganda naman." - Sealtiel.

"Syempre bansag yata nya yung hoodlum kay Jairus." - Covie.

"Kaya nga sya si miss hoodlum." - Shannice.

"Ikaw honeybabe anong ipapangalan mo kapag nagkaanak tayo?" Natawa kami ng tanungin yung Paolo kay Fiona.

'Abnormal.'

"Manahimik ka alam mong hindi pa 'ko tapos magaral, madami pa 'kong pangarap sa buhay!" - Fiona.

"Ariza kelan mo 'ko liligawan?" - Jhared.

"Siguro kapag natahi ko na yung bibig mo!" - Ariza.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon