Seven

0 1 0
                                    

Hazel POV

Nagising ako dahil sa ingay sa sala namin.

Ano nanaman kaya yun?

Kaagad akong bumangon at nagayos ng hinigaan ko. At pagkatapos dumiretso sa banyo.

Habang nag bababad ako sa shower namin hindi ko makalimutan yung pagpunta ni jairus at yung pagiging masaya nila ni papa kagabi.

At kinwento na nga saakin na si jairus daw yung tumulong kay papa na mahuli yung snatcher.

Diko akalain matulungin pala sya. Anliit nga ng mundo sa lahat ng makakaharap nya si papa kaagad. Kaya pala gustong gusto ni papa para sakin si jairus.

Pagkatapos kong mag shower nagpunas nako ng katawan at lumabas ng banyo na naka tapis.

Kaagad akong nagbihis at naglakad pababa ng hagdan. Napakunot yung noo ko ng may pamilyar na lalaki na katawanan nila papa at mama.

"Anak gising kana pala." Bungad ni mama sakin ngumiti naman ako at tumingin sa bisita nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino ito.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" Tanong ko sino paba edi si bwisit na jairus.

Ngumiti naman sya saakin.

"Good morning luvs/hazel." Bati nya saakin natawa naman sila mama dahil sa sinabi ni bwisit.

"Anak naipagpaalam kana nya samin sabi nya mag dadate daw kayo mabuti pa magbihis kana." Sabi ni mama.

"Ma sabado po ngayon ayokong umalis magpapahinga ko dito sa bahay." Sabi ko. Galing lang sya dito kagabi tapos nandito nanaman sya.

Pero bago pako makapag salita uli hinila na ako ni jairus.

"Tita, tito mauna napo kami ibabalik kopo si hazel bago po dumilim." Sigaw ni jairus teka makahila naman.

"Jairus san ba tayo pupunta?" Tanong ko at binuksan nya yung gate namin at lumabas.

"Sa mall." Nakangiti nyang sabi nya. Sa mall tas ganto lang suot ko?

"Teka magpapalit lang ak-"

"Wag na halika na, sakay bilis." Pagputol nya ng sasabihin ko. Okay natong suot ko naka pinkhoodie tyaka shots na maikli.

"Huy sakay na." Sabi nya napakunot yung noo ko dahil nakita ko yung motor na sasakyan namin.

Kaagad naman akong umangkas sa likod at nagtaka ko ng di nya pa pinapaandar.

"Andar na madaling madali ka." Sabi ko.

"Teka, teka." Kinuha nya yung helmet pagkatapos humarap sya sakin nailang naman ako dahil dun.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon