Twenty Nine

1 0 0
                                    

Jairus POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko at pati narin sa...

"Kababaeng tao kung maka hilik kala mo kalabaw e." Umiiling-iling kong sabi.

Dahan-dahan kong tinanggal yung braso nya na nakapalupot sa bewang ko at nagtagumpay naman ako, babangon na sana ko kaso hindi naman ako maka alis dahil nakapatong yung mga binti nya sa tuhod ho aba matinde.

Nang maialis ko yun tumalon ako pababa ng kama na di lumilikha ng kahit anong ingay.

Binuksan ko yung pintuan tapos dumiretso ako sa banyo at sinimulang mag toothbrush.

...

Ilang saglit lang ihinanda kona yung mga kakailanganin sa pagluluto ko.

Hinugasan ko na yung bigas at isinalang ko iyon.

Hinanda ko yung chopping board at nilagay ko dun yung sibuyas, hiniwa ko yun tapos tinantad. Binuksan ko yung tatlong lata nung sardinas at ihininiwalay ko yung sardines sa sabaw at dinurog iyon. Kinuha ko yung tatlong itlog at binasag ko yun at binati, tinimplahan ko yun at inilapag sa lamesa dahil narinig kong kumukulo na yung sinaing ko. Isinalang ko sa tabi nung sinaing ko yung kawali at binuksan yung stove. Nang mainit na yung kawali isinalang ko na yung durog na sardinas at ihinalo ko yun.

"Bango wa nuyan?!" Napapitlag ako dahil sa pamilyar na nagsalita.

"Gising na pala yung kalabaw." Sabi ko at nilagay yung itlog sa sardinas at hinalo-halo ko iyon. Binalikan ko yung sinaing ko ng matuyo iyon at tinakpan ko at hininaan yung apoy.

"Kagabi bibe ngayon kalabaw!" Sigaw nya at dumiretso sa banyo.

Tinimplahan ko yun at nilagay yung sibuyas, habang inaantay ko yun naghanda na 'ko ng mga dalawang plato at kutyara sa lamesa at binalikan ko yung niluluto ko hinalo ko yun at ilang saglit pinatay ko yun at sinalin ko sa malaking plato yun.

Bumili kase kami sa pure gold ni Joree bago kami umuwi, onti lang naman dahil aalis narin kami mamaya.

"Hoodlum!!!" Muntik ko ng mabitawan yung almusal dahil sa gulat.

"Bakit?" Tanong ko.

"Paabot ng tuwalya nakalimutan ko!" Pumasok ako ng kwarto na tinulugan namin at kinuha ko yung tuwalya sa sampayan.

"Ere na buksan mo." Sabi ko sa tapat nung pintuan sa banyo.

"Hoodlum niyakap kita kagabi pero hindi ibig sabihin nun pwede mo na 'kong silipan ha!!!" Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"Buksan mo to at kamay ko lang at yung tuwalya lang makikita mo." Sabi ko ilang saglit unti-unti nya yung binuksan at nilusot ko yung kamay ko na may hawak na tuwalya kaso...

"BAKIT KA PUMASOK?!" Tinakpan ko kaagad yung mata ko ng dalawang tabo.

"Loko kaba hinila mo kase yung tuwalya yan tuloy nasama ko, wala kong nakita wag kang mag-alala." Seryoso kong sabi habang nakatakip ng dalawang tabo yung mga mata ko.

"SIGURADUHIN MO AT IFA-FLASH KO YANG MGA MATA MO SA BOWL!" Sigaw nya at napaatras ako ng banggain nya ko.

Tinanggal ko na yung dalawang nakatakip na tabo sa mga mata ko, nang matapos ako pinunasan ko yun gamit ang suot kong damit at naglakad palabas ng banyo.

"Ano to?!" Napatingin naman ako dahil sa kanya.

"Sisig." Nanlaki yung mga mata nya dahil dun.

"Sisig e ano yang lata ng sardinas na nakita ko?!" Napatango-tango ako dahil sa sinabi nya.

"Sisig sardines." Sabi ko at umupo sa upuan at nagsimula ng mag sandok ng kanin at ulam.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon