Ten

0 0 0
                                    

Hazel POV

Bat nangyari to?

Sinong walang puso ang gumawa nun?

Pa' no na?

Pa' no na sya?

Sino ng mag- aalaga sa kanya?

"Anak andito na tayo." Sabi ni papa.

Hindi ko namalayang andito na kami kung saan ibinurol ang pamilya ni jairus.

Pag pasok pa lang namin madami na ang mga nakikiramay.

Inilibot ko ang paningin ko siguro mga kamag-anak nila ang karamihan sa mga ito.

Nakita ko din na nakaupo yung lima nyang kaibigan na seryosong seryoso ang mga mukha at may halong pagaalala.

Tumingin ako sa harap at hindi ako nabigong makita sya dahil nandun  sya nakatayo sa tapat ng kabaong ng pamilya nya.

Hindi ko napigilang hindi maiyak dahil hinihimas nya yung kabaong ng mama nya at tinititigan.

"Nakikiramay kami iho." Sambit ni papa ng makalapit kami.

"Andito lang kami kung kailangan mo kami iho." Sabi naman ni mama.

"C-condolence jairus." Sambit ko pero hindi nya man lang kami nilingon at pinansin dahil nakatutok lang ang kanyang atensyon sa mama nya.

"A-ahm ti-tita dito po may upuan maupo napo kayo." Bungad saamin ni nung isang kaibigan ni jairus sa pagkakatanda ko si covie ito.

Kaagad kaming naupo sa tabi ng mga kaibigan ni jairus.

"K-kamusta na si jairus?" Tanong ko sa mga kaibigan nya.

"Hanggang ngayon hindi sya umaalis dyan." Sabi nung raymond.

"Kami na nag aasikaso ng mga dumadating dahil hindi nila makausap ng maayos si jairus." Sabi nung paolo.

"Pero walang problema sa' min yun kailangan nya kami ngayon." Sabi nung jhared.

"Kung sino man ang gumawa nito magbabayad sya." Sabi nung kyle.

Napatingin ako kay jairus at ganun parin ang pwesto nya.

At maya-maya may lumapit na lola kay jairus at kinausap si jairus pero yung atensyon ni jairus nasa pamilya nya parin.

"Apo kumain kana hindi matutuwa nyan ang mama at papa mo kapag pinabayaan mo ang sarili mo." Sabi ni lola ni jairus mama siguro to ng mama nya.

Pero hindi nya ito pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

Lalapit na sana ako ngunit napatigil ako dahil may lumapit sa kanyang lalaki at dinuro sya.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon