Jairus POV
"HOY BAT ANTAGAL MO MALIGO BILISAN MO! NAGUGUTOM NA'KO!" Sigaw ni joree habang kinakalampag yung pintuan.
Nang makuntento na'ko sa amoy ko nag punas na'ko ng katawan ko at nagbihis.
"HOY BINGI KA- Hindi na nya naituloy ang pagsigaw nya dahil binuksan ko na yung pintuan nakita kong napalunok sya ng makita yung ityura ko.
Pumasok uli ako sa cr at kumuha ng tabo at hinarap ko uli sya na nakatulala parin.
Isinahod ko yung tabo sa baba nya at kaagad nya kong hinampas.
"ANO BANG GINAGAWA MO DYAN SA TABO AT ITINATAPAT MO SA BABA KO?!" Nakapamewang nyang tanong sa'kin.
"Tumutulo na yung laway mo kaya sinahod ko lang." Natawa ako ng agawin nya sa'kin yung tabo at ipinukpok sa'kin yun pero naka iwas ako.
"ANONG AKALA MO MACHO KA, MALAKI YANG MUSCLE MO, MAY ABS KA? HELLO PURO KA RIBS ABA'T KONTING TAPIK KO LANG DYAN LABAS SIGURADO YAN!" Sigaw nya.
"Kaya pala tulalang-tulala ka tapos palunok-lunok ka pa." Natatawa kong sagot at nagbihis na ng damit.
"Kung may liha ka kiskisin mo yang muka mo dahil makapal na!" Sigaw nya sabay talikod.
"Sa'n punta?" Tanong ko.
"Cr bakit?!" Sigaw nya na naman.
"Sama-
"ANONG SAMA-SAMA SINASABI MO E KUNG LUNURIN KITA SA BOWL NG MAKITA MO YANG HINAHANAP MO!"
"Bilisan mo at sasama ka sa'kin." Seryoso kong sabi.
"Sa'n?!"
"Kakain sa labas walang pagkain dito bukas pa'ko bibili." Nagningning yung mga mata nya dahil sa sinabi ko.
"Sa'n sa 7 eleven?" Tumango lang ako sa sinabi nya at sya naman tuwang-tuwa.
...
"Bat ba yan pinapasuot mo sa'kin e gabi naman na?!" Inis nyang sigaw sa'kin.
"Makikilala ka ng mga tao at pagkakaguluhan kapag nakita ka nila." Napatango naman sya dahil sa sinabi ko.
Ilang saglit ko syang inaantay mag suot nung grey kong hoodie at grey kong sumbrero at grey kong jogging pants.
Ilang saglit bumukas yung pintuan ng kwarto ko at niluwal nun si joree.
"Bagay ba?" Patingin tingin pa sya sa suot nya habang nagtatanong.
"HOY TINATANONG KITA KUNG BAGAY BA?!" Sigaw nya habang nakasunod sa'kin. Nang makalabas ng pintuan ng bahay namin ni lock ko yun at sinara.
"Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Tanga ka ba magtatanong ba'ko kung alam ko?!" Sigaw nya habang bumababa kami ng hagdan pero pang huling baitang na sana huminto ako at napahinto din sya.
"Bakit ka huminto?" Nagtataka nyang tanong.
"Maglalakad tayo dahil wala ng gas yung motor ko." Nanlaki yung mga mata nya dahil sa sinabi ko.
"ANONG SASAKYAN NATIN?!" Napaisip naman ako dahil sa sinabi nya.
"Maglalakad tayo hanggang kanto tapos sasakay ng jeep." Sabi ko base narin sa kalkula ko.
"Lalakad e gabi na?! Atyaka ga'no kalayo yung sinasabi mong kanto?!"
"Ayaw mo nun para exercise narin." Natatawa kong sabi.
BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
ActionNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...
