Jairus POV
"Hoodlum." Gulat na gulat na sabi ni Joree.
"Where is your room?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Parehas kayo ng mga kaibigan mo...
Mayayabang." Maangas na sabi ni Dylan.
"Don't worry no one can beat you." Nag-igting naman yung panga nya dahil dun.
"Sealtiel, you can sleep in the family room." Napatango naman sila dahil dun at kasamang naglakad paalis kasama yung limang kengkoy.
"Ayoko ng paulit-ulit, where's your room?" Seryoso kong sabi ilang saglit may kinuha sya sa bulsa nya at iniabot sa 'kin yung susi ng tignan ko yun nakita ko yung room number nya. Hindi na 'ko nag aksaya ng oras at nilayasan sila.
Hindi ko pa nasasabi na tinawagan ako ni miss Keilla at sinabing nandito daw si Joree para sa isang taping. Sinama ko yung deathrose at yung limang kengkoy para naman makapag relax sila at mag-enjoy man lang.
Nang nasa harapan na 'ko ng room ni Joree, sinusian ko ito at itinulak ng bahagya. Inilibot ko yung paningin ko sa loob ng kwarto at napatango-tango ako. Maganda sya pero mas maganda yung bahay ni tanda. Sakto dalawang kama para sa 'ming dalawa, nilagay ko sa closet yung dala kong bag at isinarado iyon.
Naglakad ako papuntang veranda at sumalubong sa 'kin ang sariwang simoy ng hangin, malaki talaga ang pinagkaiba ng probinsya sa manila.
Hindi ko maiwasang maalala yung mga panahong nilamon ako ng kadiliman dulot ng nangyari sa pamilya ko. Walang katapusang pagsasanay yan ang ginagawa ko. At sa lugar na 'yun tahimik ang paligid at wala kang maririnig bukod sa mga huni ng ibon at alon ng mga dagat.
Hindi ako lumingon ng marinig kong bumukas at sumarado yung pintuan ng kwarto, senyales na may pumasok.
"Hoodlum." Nilingon ko sya pagkatapos nya 'kong tawagin.
"Yu-yung nangyar-
"Wala kang dapat ipaliwanag at hindi naman yun ang pinunta ko dito." Pagputol ko ng sasabihin nya.
"Pa-pa 'no mo nga pala nalamang nandito ako?" Bahagya syang umatras ng akala nyang lalapit ako sa kanya pero napatulala sya ng lagpasan ko lamang sya.
"Dapat alam mo na ang sagot." Sabi ko at binuksan yung pintuan ng kwarto at naglakad palabas.
Naglakad-lakad ako at nakita ko sa malapit sa outdoor pool na may nag aayos na mga kung ano-ano para sa gagamitin nila sa shooting nila mamaya.
Nakita ko sa isang tabi si Brianna habang hawak-hawak yung phone nya. Tatalikod na sana ako kaso...
"Napakatanga mo naman tignan mo yung nangyari sa iniinom ko!" Tss, ikaw na nakatapon sa damit ko ikaw pa galit, kung di ka lang babae tinadyakan na kita.

BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
ActionNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...