Twenty One

1 0 0
                                    

Jairus POV

Ilang sandali lang prineno ko ang motor ko at hindi pa'ko nakakababa pinag titinginan na ako ng mga tao na kasalukuyang naglalabasan.

Sakto ang pagdating ko nag uuwian na sila.

Sari-saring mga bulungan ang naririnig ko dahil sa pag agaw ko ng eksena.

Wala akong pakielam kung ako ang pag usapan nila dahil hindi naman nila ko kilala at hindi ko rin sila kilala, patas lang.

Nagpalinga-linga ako dahil hinahanap ko sya.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita kong kasama nya yung mga kaibigan nya at...

:)

Nakita kong muka na syang kamatis dahil sa galit.

Pero hindi nya ko nilapitan at sumunod lang sya sa mga kaibigan nya.

Inis-start ko uli ang engine ng motor ko at kaagad ko iyong inikot para sundan sya.

"Hey sumabay kana sa'kin." Sabi ko sa kanya ng maabutan ko sya.

"ANO BANG GINAGAWA MO DITO?! HINDI KA NGA SUMAMA, SINUNDO MO NAMAN AKO!!!" Nang dahil sa pagsigaw nya kung kanina naagaw ang atensyon nila ngayon nahakot pa namin sila para manuod.

"Hoy wag kang gumawa ng eksena umuwi kana." Natawa naman ako dahil sa sinabi ni dylan.

"Hindi ikaw ang body guard nya kaya manahimik ka." Kung kanina muka silang mga  bubuyog na nagbubulungan sa'min ngayon muka na silang mga aso.

Tinignan ko si joree at pinukulan nya ko ng masama nyang tingin.

Hinila sya nung dylan paalis at sumunod sa kanya yung mga kaibigan nya.

Hinayaan ko syang isakay si joree sa kotse nya at nag sisakayan din yung mga kaibigan nya.

Kumuha ako ng lighter at sigarilyo sa coat ko at sinindihan yun.

Sige ilayo mo sya pero pag nahabol kita siguraduhin mong uuwi kana at iiwan mo sya sa'kin.

Nang maubos ko ang hinihithit ko pinatay ko yun gamit ang...

Dila ko.

Bilisan mo nandyan na'ko.

Pinaandar ko ang motor ko at pinaharurot yun.

May mga nalalagpasan akong mga sasakyan pero alam kong hindi sila yun.

Niliko ko sa kanang daan yung motor ko at pinaharurot ko iyon ilang saglit iniliko ko sa kaliwa iyon at...

Saktong pagliko ko sa kaliwa may nag preno naman kotse bali sabay kaming nag preno...

Hindi nyo ko matatakasan.

Kaagad ko silang hinarap at ngumisi.

Isa isa silang bumaba at susugurin sana ako nung dylan kaso pinigilan sya ni joree.

"IDIOT!!!" Nanggagalaiting sigaw sa'kin ni joree habang lumalapit sa'kin.

Nang tuluyan na syang makalapit...

Parang sinampal ako ng takip na kaldero dahil sa lutong ng pagkakasalmpal nya sa'kin.

"NAPAHIYA NA'KO DAHIL SAYO, MAY BALAK KA PANG PATAYIN KAMI SA GULAT DAHIL SA PAG SULPOT MO BUTI NAKA PAG PRENO SI DYLAN!!!" Halos tanggapin ko ang ambon na nanggagaling sa bibig nya dahil sa pagsigaw nya sa harap ng muka ko.

"SINABI KO WAG KA PUPUNTA?! PERO SINUNDO MO AKO ANO KINALABASAN PINAGTINGINAN TAYO AT ALAM MO BA KUNG ANONG KLASENG KAHIHIYAN SA'KIN ANG NAIDULOT MO?! NANG DAHIL SA KAGAGUHAN MO?!" Hinayaan ko syang magsalita ng kung ano-ano sa'kin.

Hinahampas hampas nya ako sa dibdib ko dahil sa inis.

Nang mapagod sya tumigil sya at hindi na nya napigilang mapahagulgol.

"WA-WALA K-KANA B-BANG M-MAGANDANG M-MAIDUDULOT S-SA'KIN K-KUNDI KA-KAHIHIYAN?! M-MAGMULA N-NG D-DUMATING K-KA G-GINULO M-MO B-BUHAY K-KO A-ALAM M-MO B-BA Y-YUN?! S-SYEMPRE H-HINDI K-KASE MA-MANGMANG K-KA I-ISA K-KANG H-HARI N-NG M-MGA H-HOODLUM!!! H-HINDI P-PORKE'T NILILIGTAS M-MO A-AKO P-PWEDE M-MO N-NANG G-GAWIN T-TO D-DAHIL H-HINDI K-KITA K-KAILANGAN S-SA B-BUHAY K-KO, I-IKAW A-ANG M-MALAS S-SA B-BUHAY K-KO!!!" Humahagulgol nyang sigaw sa'kin.

Nilapitan ko sya at hinapit palapit sa'kin at niyakap ko sya nanlalaban pa sya pero hindi sya makawala dahil sa higpit ng yakap ko.

Lalapit sana si dylan sa'min pero pinigilan sya ni brianna at caleb at umiling iling bandang huli nagsipasukan na sila ng kotse at pinaandar nya yun paalis.

Napatigil ako ng may maramdaman akong malamig na bakal sa batok ko.

Shit.

"Subukan mong lumaban bubulagta ka sa sahig." Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Talian silang dalawa!" Utos nya sa mga tauhan nya.

"S-SINO KAYO?! ANO BA NASASAKTAN AKO BITAWAN NYO NGA AKO! ANO BA WAG MO NGA AKONG HAWAKAN ANLAKAS NG AMOY MO HINDI KA NALIGO NO?!" Sasampalin nya sana si joree dahil sa kaingayan nya kaso...

"Subukan mo syang saktan papatayin kita mamaya." Napatingin sya sa'kin dahil sa sinabi ko.

"Ikaw?! Papatayin ako mamaya nagpapatawa kaba panuorin mo to!" Sigaw nya at kaagad sinampal ng baril sa noo si joree...

Tulog.

Pero nagulat ako ng biglang nyang iangat ang ulo nya.

Aba matibay.

"ARAY KO ALAM MO BANG MASAKIT YUN HA?! HALIKA DITO AKO PUPUKPOK SAYO UUNAHIN KITA KESA SA  HARI NG MGA HOODLUM NA YAN!!!" Sigaw nya dun sa pumupok sa kanya.

Naramdaman ko na lang na tinatalian nila ako at si joree.

Pinilit nila kaming isinakay sa van nila at piniringan ang mata.

Lumabas silang lahat at naiwan kami dito sa loob ng van.

"ANO HARI NG MGA HOODLUM KAKASABI KO LANG MALAS KA TIGNAN MO NANGYARI SA'TIN!!!" Sigaw nya sa'kin pero hindi ako nagsalita.

Ilang saglit pa bumukas yung pintuan at nagsipasukan sila ilang saglit pinaandar nila yun.

Hindi ko alam kung bakit tahimik si joree sa tabi ko siguro tulog na hindi ko din alam kung ga'no na kami katagal bumabyahe.

Nawala ako sa balanse ng bigla nilang iniliko iyon at hininto.

"Sige ipasok nyo sa loob yan." Rinig kong sabi nung nanutok sa'kin ng baril kanina.

"ANO BA KANINA KAPA HAWAK NG HAWAK SA'KIN SINABING LUMAYO KA AT NASUSUKA KO SA AMOY MO!!!" Gising na pala sya.

Naramdaman kong iniupo nila ako sa upuan at tinanggal yung piring ko sa mata.

Inadjust ko yung paningin ko dahil sa sakit dala narin ng pagkakapiring...

At nang maka recover hinanap kaagad ng mga mata ko si joree at ng makita ko sya nakatanggal na rin yung piring nya.

Katabi ko sya...

At nakatingin sya sa'kin nakita ko ang mga mata nya na namumugto dahil kakaiyak kanina. Nag iwas sya ng tingin ng titigan ko sya.

Joree POV

"ANO BANG KAILANGAN N'YO? WALA AKONG ATRASO SA INYO BAKA YANG MGA HARI NG HOODLUM NAYAN MERON PERO BAKIT NYO KO DINAMAY?!" Nanggagalaiti kong sigaw sa kanila.

"TUMAHIMIK KA KANINA PA'KO NANGGIGIGIL SAYO!!!"  Sigaw sa'kin nung mabahong lalaki na humawak sa'kin.

"HOY MATANONG NGA KITA PA'NO KA NATITIIS NG MGA KASAMA MO DAHIL SA PINAGKAIT MONG BANGO?!" Tanong ko sa kanya.

Lumapit sya sa'kin at nanlamig ako ng kinasa nya yung baril at walang pakundangang itinutok sa'kin.

"KANINA MO PA KO GINAGALIT! PASALAMAT KA AT NAUTUSAN LANG KAMI NG BOSS NAMIN KUNDI KANINA PA KITA PINATAY!" Sigaw nya sa'kin.

Napatingin kaming lahat dun sa biglang tumawa nilingon ko ito at...

HARI NG MGA HOODLUM.

"Kanina kapa tahimik pero alam mo bang nabu-bwisit mo na'ko?!" Bilang sabi nung pinuno ata nila.

"Sino bang inaantay natin dito? Yung gustong pumatay sa pamilya nya?" Kung nagulat sila mas nagulat ako dahil sa sinabi nya.

Shit antanga ko...

Akala ko nadamay lang ako pero...

Ako pala talaga ang kailangan nila at sya ang nadamay dito.

"Hindi ka ordinaryo." Kumunot yung noo ko dahil sa sinabi nung lalaki kay hari ng mga hoodlum.

Hindi sya ordinaryo?

Multo ba sya? Maligno? Engkanto? Mesademonyo? Alien?

"Dinosaur ka no?!" Natawa sila dahil sa sinabi ko.

"Pwede ko bang malaman kung 'sino' ka?" Smirk yan lang ang sinagot nya dun sa lalaki.

Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang pintuan at nakita namin ang isang pigura...

"Nandito na pala si boss." Biglang sabi nung mabaho na lalaki.

Nang makalapit sya sa'min dun ko na tuluyang nakita ang muka nya isang medyo may katandaan na lalaki siguro mas matanda kay dad at malaki ang pangangatawan, balbas sarado din sya at nakakatakot ang aura nya.

"Mabuti at nakuha nyo na ang anak ni rozcom." Sabi nung boss nila.

"ANO BANG KASALANAN NG PAMILYA NAMIN SA INYO AT GALIT NA GALIT KAYO?!" Tumawa lang sya sa sinigaw ko sa kanya.

"Boss kasama nya yung gwardya nya kaya napilitan narin kaming kunin yan." Sabi nung mabahong lalaki.

"Ganun ba nasan yung gwardya nya?" Tinuro nung mabahong lalaki sa boss nya si hari ng mga hoodlum at...

Ganun na lang ang gulat ko at panlalaki ng mga mata ko dahil...

Nang tignan nung boss nila si hoodlum...

Napaupo sya at unti-unting umaatras kita ko ang panginginig ng katawan nya at para bang takot na takot.

"B-boss a-anong na-nangyayari sa inyo?!" Kaagad nag silapitan yung mga tauhan nya na halatang natataranta at nagtataka kung bakit ganun ang inasta ng boss nila.

"TA-TANGINA PA-PAKAWALAN N-NYO SI-SILANG DA-DALAWA BI-BILISAN NYO!!!" Muntik na lumuwa ng mga mata ko ng dahil sa narinig ko.

Wait hindi ako bingi promise narinig ko yun.

Sumasakit ang ulo ko bakit ganyan sya katakot ng makita nya si hari ng mga hoodlum?

Gusto kong malaman pero pa'no?

Andaming kong katanungan na gustong itanong pero niisa walang gustong lumabas mula sa bibig ko.

"Pe-pero boss ba-

"WAG KA NANG MAGTANONG DAHIL MAHALAGA ANG ORAS!!!" Kahit nalilito at puno ng pag tataka sinunod nila ang inuutos ng boss nila.

Naramdaman ko na lumuluwag na yung kadenang nakatali sa'kin at nung matanggal yun...

Para akong lantang gulay dahil pagod.

"Okay ka lang?" Iniangat ko yung ulo ko at nakita kong nasa harapan ko ang HARI NG MGA HOODLUM.

"Gusto ko ng magpahinga, uwi na tayo." Kahit nanghihina nagawa ko pa ring makapagsalita.

Napa hawak ako sa batok nya ng bigla nya kong buhatin na parang bagong kasal.

"Sigaw ka kase ng sigaw." Sabi nya habang naglalakad palabas.

Binuksan nya yung pintuan ng kotse kahit na buhat ako parang wala lang sa kanya.

"Hindi kaba nabibigatan sa'kin?" Tanong ko.

"No comment." Natatawang sabi nya.

Kung may lakas lang ako nasapak ko na to.

Naramdaman ko ang malambot na upuan ng kotse dahil dun nya ako hiniga.

Titig na titig ako sa kanya dahil sa ginagawa nya sa'kin.

Dugdug. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Shit.

Hindi ako natatakot pero bakit kinakabahan ako sa pinapakita nyang kabaitan sa'kin. Parang lalabas yung puso ko at aantaying saluhin nya yun.

Kinikilig ako kay dylan pero kailan man hindi ako nakaramdam ng ganito sa kanya.

Ngayon lang...

Ano bang nangyayari sa'kin?

Hindi kaya...

"Mahal." Nagtaka ako ng kumunot yung noo nya.

Nang marealize ko ang sinabi ko...

Shit...

"Ma-mahal, na yung bigas." Sana lumusot pls nakakahiyaaaaa.

"Gutom ka na no?" Tumango na lang ako sa tinanong nya.

"Sandali lang naiwanan ko yung salamin ko sa loob kukunin ko lang dyan ka lang mabilis lang ako." Natataranta kong kumapit sa braso nya dahil sa sinabi nya.

"WAG KANG BABALIK BAKA MAPAHAMAK KA!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Concern ka?" Kaagad ko syang binitiwan at binatukan.

"Mamatay ka man wala akong pakielam no!" Sabi ko sa kanya.

"Kelan ba?" Nagtaka ako dahil sa tanong nya.

"Anong kelan ba?!" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Kelan kaba nagkaron ng pakielam sa'kin." Parang nilibing ako ng buhay ng dahil sa narinig ko.

Nang makalabas sya ng kotse napayuko ako.

Bakit anlakas ng impact nung sinabi nya nayun...

Hindi ko alam kung bakit parang may tumusok na milyong karayom sa dibdib ko ng sabihin nya yun...

Kaagad kong pinunasan yung mga kumakawalang luha sa mga mata ko pero kahit anong punas ko ayaw nilang tumigil kakabagsak...

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kahit alam ko sa sarili ko na sya ang nasasaktan sa pinag-gagagawa ko sa kanya.

Tama sya...

Kelan ba...

Kelan ba'ko nagkapakielam sa kanya?

:(

Jairus POV

Nang makapasok ako nakita ko silang mga naka luhod.

"Bakit nyo ginagawa ito, anong kasalanan nila?" Walang emosyon kong sabi.

"Patawarin mo kami hindi namin sinasadya maawa ka sa'min."

"Pinapalabas mo ba na tama ang sagot mo at mali ang tanong ko?" Nanginig sya lalo dahil sa sinabi ko.

"Kaya ko lang yun nagawa dahil may utang sila sa'kin." Biglang sabi niya.

"Magkano?" Nabigla naman sya dahil sa tanong ko.

"Fifty million." Napangiti ako dahil sa sinabi nya.

"Sino nangutang sayo?" Tanong ko.

"Si Weston rozcom ang ama ng batang yun." Sinasabi ko na.

"Sa'n nya ginamit?" Tanong ko uli.

"Nabaon sa utang ang kompanya nila at hindi nya sinabi sa mag-ina nya." Pag amin nya.

Kinuha ko sa coat ko ang phone ko at nag tipa ilang saglit ni loud speaker ko yun.

"Yes master?" Sabi ng tinawagan ko napatingin naman sila dahil dun.

"Magpadala ka ng fifty million sa bank account ni lion ngayon na!" Sigaw ko.

"Copy." Pinatay ko ang tawag pagkasabi nya nun.

"Kapag hindi mo pa sila tinigilan ako mismo ang papatay sayo." Sabi ko.

"SAGOT!!!" Sigaw ko.

"Ye-yes ma-master salamat." Sabi nya.

Naglakad na'ko palabas dahil alam kong nagugutom na yung reyna.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon