Thirty Eight

1 0 0
                                        

Jairus POV

Halos araw- araw na nandito ako sa bahay nila ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Sa t 'wing pupunta ang lalaking 'yun at kung ano-ano ang dala para kay Joree tas maglalandian sa harap ko... Tss... Buntot sa kanya kapag aalis sya o may pupuntahan halos paulit-ulit na ginagawa ko... Pero sa mga araw na lumipas hindi nya ko pinapansin o kinakausap man lang... Kung may sabihin man sya seryosong ityura mode sya...

May mga bumabagabag parin sa 'kin at hindi pu-pwedeng parelax-relax lang... Susugod sila at pagsisimula ng gyera sa pagitan ng organisasyon... Ang limang magkakapatid na nalason ang utak at sumama kay Rodolfo... Magaling kang magtago pero kahit sa ilalim kapa ng lupa papatayin kita... Nang dahil sa inyo wala na ang pamilya ko... Hindi ko alam kung anong kailangan n 'yo at gusto nyong makuha si Joree... Pero kung gusto nyong makuha si Joree at ang pakay nila anong kasalanan ng pamilya ko sa kanila?! Madami kong katanungan at masasagot lang 'yun kapag nag kaharap na kami...

Pumunta ko sa sala at hindi na 'ko nagulat ng makita ko si Dylan na nandito... Kulang na lang dito tumira e... Tsk. Tsk...

"Hoy linisan mo 'tong kalat namin." 'Kapal ah. Boss kita, boss kita?!' Lakas mag-utos sampalin kita ng alpombra e!

"Personal guard ako hindi utusan mo." Walang gana kong sabi na ikinainit ng ulo nya. 'Hindi nakakamatay ang masamang tingin pasensya ka.'

"Maam may nagpapabigay po sa 'inyo." Biglang singit nung gwardya na kakapasok lang.

"Ganto na naman?! Walang laman o sulat na nakalagay?! Ilang beses na 'to ah!" Sigaw nya at itinapon 'yun sa lapag. Pinulot ko yung mga kalat nila na pinagkainan at pasimpleng kinuha yung card na walang sulat at itinapon 'yun sa basurahan at dumiretso ng banyo.

'Ilang beses na nangyayari ang gantong pagbibigay ng sulat pero walang kalaman-laman at iniisip nyang trip-trip lang 'to.'

Binasa ko yun gamit ang tubig at hindi na 'ko nagulat ng maglitawan ang mga letra dun.

'Malapit ka na naming makuha, ingat ka!' :)' basa ko sa isip ko. Kaagad ko yung flinash sa bowl at lumubog 'yun... HAYOP kikilos na sila pero walang may alam kung kailan. Inayos ko ang sarili ko at nagpasyang lumabas ng banyo.

'Rodolfo malapit na tayong mag-tuos hindi ako papayag na mamatay ako ng hindi pa kita napapatay!'

K • I • N • A • G • A • B • I •H • A • N

"Hello." Saad ko ng sinagot ko yung phone kong nagri-ring. Napakunot yung noo ko makarinig ako ng tunog ng nabasag na pinggan sa kabilang linya..

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon