Hazel POV
Dalawang araw na at bukas ang balik namin sa school.
Dalawang araw naring hindi ko nakakausap si Jairus dahil nasa bundok kami nag-cacamping.
At hindi rin ako nag paalam sa kanya kase alam kong kapag ginawa ko yun magpupumilit sumama yun.
Nakaupo ako dito sa ilalim ng puno kung saan kita ang magandang tanawin.
Kase ngayon ang free day namin para para makapag enjoy kami.
"Lalim ng iniisip ah." Napapitlag ako dahil sa pamilyar na nagsalita. Kaagad kong tinignan at nakangiting Myr ang nakita ko.
"Kamusta? Bakit ka nag iisa?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko.
"Ayos lang. Gusto ko lang mag-isa para makapag relax." Sabi ko ng hindi sya tinatapunan ng tingin.
Nakakailang kaya syempre ex ko parin sya.
"Hazel mahal moba si Jairus?" Nagulat naman ako sa tinanong nya. Kaagad akong natahimik at nag-isip.
Mahal ko nga ba si Jairus?
"Sabi ko na nga ba hindi bakit ako parin no?" Natatawa nyang tanong kaagad uminit yung ulo ko dahil sa kayabangan nya.
"Masyado ka namang mahangin sa katawan mo di ka nahihiya no?" Pranka kong sabi.
"Just kidding. Anyway im so sorry sa nagawa ko dati." Sabi nya.
"Huh hindi ko kailangan nyan alam mo yan, matagal nayon at kinalimutan kona yun." Seryoso kong sabi.
"Eh ako ba nakalimutan muna?" Nabigla ako dahil sa tanong nya.
Hindi ko sya sinagot at tumayo na at nag- pagpag at lumakad paalis.
Hindi ko namalayang habang nag lalakad ako umaambon na.
Kaagad ako tumakbo pero hindi pako nakakalayo ng lumakas yung ulan.
Kailangan kong huminto at antaying tumila ang malakas na ulan pero hindi pupwede at baka dito ako abutin ng gabi mahirap na.
Nagulat ako ng may humiltak saakin at nakita kong si Myr iyon at huminto kami sa malaking puno at nanginginig dahil sa lamig.
"Shit kailangan nating antaying tumila yung ulan." Nanginginig na sabi nya.
"Pero hindi tayo pwedeng abutin ng dilim dito." Naiilang kong sabi.
Naglakad na ako palayo sa kanya pero hindi pako nakakalayo ng hinigit na nya ko at naramdaman ko nalang ang malambot nyang labi.
Shit nagpupumiglas lang ako pero hinahapit nya lang ako palapit sa kanya.
Buong pwersa ko syang tinulak at nagtagumpay naman ako.
Kaagad ko syang binigyan ng malutong na sampal.
"TANG IN* MO WALA KANG KARAPATANG HALIKAN AKO KUNG KAILAN MO GUSTO DAHIL HINDI MO NA KO PAG-AARI AT MATAGAL NA TAYONG TAPOS!!!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo palayo sa kanya hindi ko alam kung san ako pupunta pero kailangang makalayo ako sa kanya.
Pero kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sumasabay din ang walang pag hinto ng pagragasa ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Lahat ng masasayang ala-ala namin sa loob ng tatlong taon akala ko sya na.
Akala ko hanggang dulo...
Akala ko ako lang...
Pero may iba pa pala...

BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
ActionNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...