Jairus POV
Napapitlag ako ng marinig ko ang phone ko na nag riring, kaagad ko iyong kinuha at sinagot iyon.
"Hello." Pagtatanong ko. Pero nagtaka ko ng walang nagsasalita.
"T-tol." Nanginginig na boses ang narinig ko sa kabilang linya para bang hindi mapakali.
"Kyle bakit may problema ba? Sumagot ka!" Hindi ko na napigilang mapasigaw dahil sa inis at kuryosidad.
"J-jairus wag ka sanang mabibigla...
Patay na ang tatay ni hazel."
Nabitawan ko yung phone dahil sa panginginig ng kamay ko dahil sa masamang balitang narinig ko.
Pa-panong patay na...
Shit...
Yung huli kong kita sa kanya 2 years ago na nung ilibing yung pamilya ko...
Naalala ko pulis nga pala sya...
Parang nagbalik lahat ng nangyari sa'min sa saglit na nag kasama kami.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko...
Hindi pa'ko pwedeng magpakita pero kailangan kong pumunta.
"Hoodlum ayos ka lang?" Napapitlag ako dahil sa pamilyar na boses.
"Aalis ka ba?" Tumango-tango sya dahil sa tinanong ko.
"Wag mo na kong samahan malayo kase yung pupuntahan ko. Actually kailangan mo ng lumabas dahil maliligo na'ko at aalis na kami nila Brianna." Pagkasabi nya nun pinulot ko yung phone ko dahil nabitawan ko yun at naglakad palabas ng kwarto nya.
...
Nag tipa ako sa phone ko at itinapat sa tenga ko yun.
"Magkita tayong lahat sa dating tambayan papunta na'ko." Seryoso kong sabi at ibinaba ko na iyon.
Nagbihis ako ng black shirt at pantalong itim at pinatungan ko yun ng coat na itim.
Kinuha ko ang susi ko at naglakad papuntang garahe, sumakay ako at sinusian ko yun at pinaandar ko iyon ng pagka bilis-bilis.
Tinatahak ko ang daan papuntang bayan na aking kinalakihan.
...
Tatlong oras, tatlong oras ang nagugol ko sa pag byahe ko at kasalakuyan akong nandito sa dati naming tambayan at naka upo.
Ilang minuto pa lang akong nagaantay don pero dalawang kotse yung huminto sa harap ko...
Sila na'to.
Isa-isa silang nagbabaan at lumapit sa'kin.
"Tol kanina kapa?" Tanong ni Kyle sa'kin.
"Hindi kadadating ko lang din." Sabi ko.
"Tol nabigla din kami dahil sa nangyari." - Paolo.
"Tol sigurado ka na bang magpapakita kana?" Alanganing tanong ni Covie.
"Kung anong desisyon mo nasa likod mo lang kami." - Jhared.
"Pupunta na ba tayo?" - Raymond.
"Minsan ko lang sila na kasama pero mahalaga sila sa'kin, kaya tara pumunta na tayo dun." Sabi ko at sumakay sa motor ko ganun din sila dahil sumakay din sila sa kotse nila.
Joree POV
"Condolence, hazel." Napatingin sya sa'min at ngumiti ng pilit.
"Salamat sa inyo Joree, Brianna, Caleb, at Dylan." Sabi nya at niyakap nya kami isa-isa

BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
ActionNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...