Joree POV
Kanina pa'ko bumibungis-ngis at parang baliw kakangiti.
Masisisi nyo ba'ko e masaya ako bakit?
Dahil andami naming pictures at may video pa'ko na kumakanta sya...
Grabe ang ganda nung boses nya...
Hindi mo aakalaing hoodlum e. ^__^
Kanina ko pa rin hawak yung picture namin sa photo booth...
Tulog naman sya kaya hindi nya makikita ang ginagawa ko.
Nandito kami sa jeep na hindi ko alam kung saang ruta kami dadalhin dahil si hoodlum lang ang nakaka-alam.
Madami parin ang mga nakasakay sa jeep at para kaming mga sardinas dahil sa siksikan...
Panatag naman ako at hindi nila ko nakikilala dahil bumili kami kanina ng 'black' mask diba lahat ng suot ko black.
Hindi ko nga lang sure kung pati yung undies ko black...
Tignan ko nga...
Wag na maraming 'hayop'...
Yes 'hayop dahil sa lalakas ng mga amoy...
Nagsiligo kaya to?
Lalo na yung nasa harapan ko na ngingiti-ngiti pa kala mo napakaganda e sobra naman sa lake yung mata...
Yung ngipin parang hinukay pa nung kapanahunan ni kopong-kopong...
Nakakapit pa dun sa hawakan nung jeep...
Nang hindi ko sinadyang mapatingin sa kili-kili nya...
Wow as in wow, hindi pa siguro na di-discover na may amazon forest na dito sa pilipinas.
Bago ko pa to ilusot sa bintana ng jeep back to the topic na nga.
Ayokong tignan yung undies ko kung kulay itim...
Mamaya na lang siguro pagnagising na si hoodlum...
AS IN HINDI KA MALANDI NYAN GHORL!!!
Syempre charing lang di pa'ko ready next time na lang.
Tinignan ko sya habang natutulog dito sa loob ng jeep...
Infairness matino sya matulog hindi katulad ko na kahit artista mukang ewan matulog.
Napagod sya dahil sa ginawa ko... =>
*Flashback*
"Hello sa inyong lahat nag bi-benta kami ng mga karaoke at dvd pero kung sino ang may gustong kumanta dito sa karaoke at ang score ng kumanta ay 100 o perfect libre na ang karaoke bilang pa-premyo sa pagiging perfect nya!" Nang dahil sa sinabi nung sales lady nayun...
Dinumog sila ng mga tao at karamihan mga college student pa'no ko nalaman?
Madali lang dahil naka id pa sila...
Umupo muna kami ni hoodlum sa isang tabi at pinapanuod yung mga sumusubok makuha ang premyo sa pagkanta.
Pero syempre hindi pu-puwedeng mawawala ang pop corn kapag nanunuod ka lalo na kapag live show.
Nagulat din ako dahil pag harap ko sa kanya may kinakain na syang pop corn na diko alam kung sa'n galing.
Tinanong ko sya kung sa'n nya nakuha yun at sinabi nyang binili nya daw sa sinehan sa forth floor.
Habang kumakain kami ng pop corn at nanunuod sa mga nag aagawan sa mic.
"Bat kanta sila ng kanta? Kung ganyan din sila?" Nagtataka kong tanong pa'no nagkakatuwaan lang sila.
BINABASA MO ANG
DEREF |COMPLETED|
AcciónNote: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as I tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is...