Thirty Nine

0 0 0
                                    

Jessel POV

Kitang-kita naming lahat kung pa 'nong hawakan nung Joree yung batok nung kasayawan nya at dahan-dahang nilapit yung muka nya dun at...

O_O

LUNOK!

Sunod sunod ang paglunok ko ng makita kong nag halikan sila na para bang walang tao dito. Dahan-dahan akong tumingin at...

'Master' Nakayuko sya at sa nakikita ko, ngayon ko lang nakita yung ganyang ekspresyon at emosyon...

'Sobrang lungkot' Susugurin sana ni Ariza yung Joree pero pinigilan sya ni Sealtiel at umiling-iling kaya nanatili na lang sya sa puwesto nya. 

Ngayon ko lang uli nakita ang ganyan sa kanya magmula ng araw na dinala sya ni tanda at ipakilala sa 'min nung unang beses... 

Parang gusto kong batuhin ng upuan si Joree dahil sa ginawa nya pero alam kong magagalit si master sa 'kin...

SINONG HINDI MAIINIS E SA KANYA NA NGA LANG SYA SUMAYA NG GANYAN TAPOS GANYAN PA?! SA HARAP NYA PA TALAGA!!! 

SINONG HINDI NAIINIS PAIIKUTIN KO YUNG LEEG!

Lumapit sa kanya yung Hazel pero ni tignan hindi nya 'to binigay. 

"I-Ikaw yung may birthday pero ako yung nasorpresa." Kahit tumatawa sya bakas na bakas na puno 'yun ng kalungkutan hahawakan nya sana si master pero tumalikod na 'to at naglakad palayo.

'Antahimik ng mga tao tsk.tsk live show ba naman e dina sila luge'

Tumayo kaming sampo at sinundan namin si Master tinignan ko muna si Joree pero nakatingin din sya sa 'kin o mas madaling sabihing kay master.

'Abnormal din e pagtas ng ginawa mo titingin-tingin pa, insulto yun at wala pang nakakagawa sa 'min nun, ikaw pa lang!'

Nakarinig pa kami ng nagsasalita sa mic napahabol kaagad kami kay master ng suungin nya ang napaka lakas na ulan.

Napangiti ako ng hubarin ni Raymond yung jacket nya at itaklob sa ulo ko. Nang makita naman yun nung apat nyang kaibigan kanya-kanya din silang hubad at taklob sa mga kasama ko.

'Hehehehe nauna si Raymond huli na kayo'

Bakit ang galing nung panahon kung kailan ganyan si master tyaka uulan ng malakas.

'Wala sa hulog' 

O_O 

Sumakay sya ng motor nya... Wait mast-

'BOOGGSSSHH!!'

TUG.DUG.TUG.DUG.TUG.­DUG.TUG.DUG.TUG.DUG.­TUG.DUG.TUG.DUG.TUG.­DUG.TUG.DUG.TUG.DUG.­TUG.DUG.TUG.DUG.TUG.­DUG.TUG.DUG.TUG.DUG.­TUG.DUG.TUG.DUG.TUG.­DUG.TUG.DUG.TUG.DUG.

Halos dambahin ng kung ano yung puso ko at tenga ko dahil sa sobrang lakas na pagsabog na wait?!

PAGSABOG?!!!!!!!! 

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan namin at...

"OOOHHHHH MY GHAD DUDE SILA HAZEL!" Natatarantang sigaw nila Kyle at nagtakbuhan papasok sa loob. Nilingon ko si master pero wala na dun yung motor nya.

'Ambilis talaga ni master biruin mo nagulat pa lang kami tapos sya nakakilos na' 

Kaagad kaming nagsisunuran papasok sa loob.

Brianna POV

Joree sumosobra kana... Sa party pa ni Hazel?! At really sa harap pa nila... Sa harap pa ni Jairus! I can't believe you can do this to him! Tinignan ko si Jairus at nakayuko sya...

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon