Fourteen

0 0 0
                                    

Jairus POV

Ahm, kailangan ipaayos at dagdagan ng takip or cement yung exit ng bahay nila to much expose e i mean maganda yung may fire exit ang bahay pero sa nakikita kong exit nila sigurado akong mapapasok ng kung sino-sino kapag nagkataon.

Gabi pa naman, tinignan ko din yung bakod nila ahm pwede na mataas naman kaso dapat may cctv kahit man lang isa kung ako lang masusunod lalagyan kong laser to e para walang manloob o magtangka man lang.

Napahinto ako at napa isip bakit kaya gusto nilang patayin si miss keilla?

Muka naman syang mabait.

Tumingala ako sa langit naalala ko ang mama ko ang papa ko at dalawa kong prinsesa bakit sila ginanon e mababait naman sila pero anong dahilan at ginawa nila yun?

Miss na miss ko na sila gusto ko na silang dalawin pero hindi pa pwede dahil nangako ako sa kanila.

At pag nagawa ko na ang pangako nayun dun nako titira...

Kidding.

Joree POV

Kanina pang hapon umalis yung mga kaibigan ko dahil may gagawin pa sila.

Gabi na pala ambilis talaga ng oras.

Naglakad akong papuntang veranda tumingin ako sa langit at napapikit ako at sinamyo ang malamig ang hangin napayakap ako sa aking sarili dahil duon.

Nang idalat ko ang mga magaganda kong mata at tumingin sa baba pero wrong move pala dahil nandun yung hari ng mga hoodlum na may tinitignan na kung ano.

Ano naman kayang tinitignan nya sa bakod namin abnormal talaga.

Napapitlag ako ng ilang saglit ng maglakad sya at huminto rin kaagad.

Maya maya tumingala sya sa langit at ng titigan ko sya hindi ko alam kung dala lang ng dilim o ng ilaw yun.

Para kaseng...

May gustong kumawala na luha sa mga mata nya pero pinapigilan nyang lumabas yun.

At tinignan ko yung ityura nya pero hindi ko malaman kung anong emosyon.

Dahil...

Ang panget nya sobra teka bakit ba parang nag aalala ako e ano naman sa'kin kung umiyak sya.

Kaagad akong naglakad at nahiga sa kama ko kaagad ko kinuha yung cellphone ko malapit sa'kin at tinignan ko iyon.

As always puro pag cocompliment sa'kin ng mga fans ko ang nakita ko well hindi ko naman talaga sila masisisi kung ipinanganak akong may angking ganda at sexy.

Kaagad ako napatayo dahil...

Dahil gutom na ko at hindi pa pala ko kumain kaagad kung binuksan ang pinto at naglakad pababa ng hagdan.

Narinig ko sa sala yung pamilyar na boses na nanggagaling sa sala at dala narin ng kuryosidad kaagad akong pumunta duon.

"Mom." Sabi ko at tinignan ko yung kausap ni mom wrong move nanaman dahil si hari ng mga hoodlum iyon.

"O why are you here?" Tanong ni mama.

"Nagugutom po kase ako kaya bumaba ako kaso narinig ko po kayo kaya pumunta ko dito at nandito kayo. Mom kumain na po ba kayo?" Tanong ko.

"Ahm may dinner kami ng dad mo kaya hindi ka namin masasabayan sorry for that."

"No mom it's okay. By the way ano pong pinag uusapan nyo?" Nagtataka ako ng tumawa si mom.

"Kung sa'n kayo mag papakasal ni jai." Kahit wala akong iniinom na tubig hindi ko maiwasang ubuhin sa sinabi ni mom.

"Asa." Nagulat ako dahil sa sinabi ng hari ng mga hoodlum.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon