Twenty

1 0 0
                                    

Jairus POV

Napabangon ako ng wala sa oras ng may mag doorbell.

Wtf doorbell e gabing gabi na.

"SINO NAMAN KAYA YUN?! GABING GABI NA AH." Sigaw ni joree.

"Joree, pwede ko bang patayin yung ilaw mo." Nagtaka sya dahil sa sinabi ko.

"MAY GAGAWI-

Kaagad kong tinakpan yung bibig nya at pinatayo ko sya dahil hawak ko sya sa bibig at nang mapindot ko ang switch ng ilaw namatay iyon.

"Wag kang maingay may gustong pumasok sa bahay nyo." Bulong ko sa kanya at binitiwan sya.

"Sigurado ka?" Pabulong nya. Tumango ako at sigurado akong nakita nya yun dahil sa sinag ng buwan.

"Isasara ko ang pinto ng veranda mo dito ka lang." Bulong ko sa kanya maglalakad na sana ako kaso hinawakan nya yung braso ko naramdaman kong nanginginig sya.

"Wag mo ko iwan." Pabulong nyang sabi sa'kin.

"Saglit lang ako pangako." Humiga ako sa sahig at kaagad na gumapang papuntang veranda nya. Natanaw ko ang bakod nila at tama ako may mga gustong manloob sa kanila.

Dahan-dahan kong sinasara ang pintuan ng veranda ng kwarto ni joree at inilock iyon.

Alam kong hindi nila ko napansin dahil sa kadiliman na bumabalot dito sa loob ng kwarto at busy din sila sa pag o-over da bakod.

Gumapang ako palayo at hinila si joree papunta ng cr nya pumasok kami dun at isinara ko iyon.

Binuksan ko yung ilaw ng cr nya at nakita ko kung ga'no sya natatakot.

"Papasukin nila tayo tumawag na tayo ng pulis!" Pabulong nyang sigaw sa'kin.

"Kakatok ako ng tatlong beses kung lalabas kana pero hindi ka pwedeng lumabas kapag hindi pako kumakatok ng tatlong beses." Bilin ko sa kanya at tumango-tango naman sya.

"Mapanganib!" Pahabol nya.

Hindi ko alam kung pa'no sya pakalmahin bahala na...

Hindi sya naka galaw ng halikan ko sya...

Sa noo.

"Wag na wag kang lalabas kahit anong tunog na marinig mo naiintindihan mo?" Sabi ko sa kanya hindi sya sumagot pero wala sya sa sariling tumango-tango.

Pinatay ko yung ilaw sa cr nya at lumabas nang dahan dahan at kaagad ko itong sinara.

Napapitlag ako ng marinig ko ang hungkla na sumabit sa bakal.

Hindi sila mag nanakaw...

Sila yung gusto pumatay sa pamilya nila joree.

Humiga ako sa kama ni joree at nagtalukbong ng kumot.

Naka akyat na sila.

Base sa mga yabag nila marami sila.

Hindi ako gumagalaw at nag panggap na tulog.

Napangiti ako dahil na buksan nila yung pinto ng veranda kahit naka lock ito..

Magaling pero hanggang dyan ka lang.

Narinig ko ang mga yabag nila na papalapit sa'kin.

Sige onti pang lapit...

"MAMAMATAY KANA!"

"Pare may tao sa ata sa cr tamo naka bukas yung ilaw." Shit...

Joree POV

Nanginginig ako dahil sa takot nagulat ako ng halikan nya ako sa noo.

DEREF |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon