Kabanata 26: Kiss
-Saerin Gail’s POV-
Buong biyahe namin ni Jared papunta doon sa party ay hindi ako umimik. Nalunod na ata ako sa mga iniisip ko dahil sa sinabi kahapon ni Chanel tungkol kay Jared. I was about to ask her to expand what she said but then suddenly Jerome appeared then she leave. May mga bagay tuloy na gumugulo sa akin mula kahapon hanggang ngayon. Wala na nga sa focus ko yung party chuchu na ‘to eh.
“May problema ka ba Gail?” Jared asked. I looked at him and slowly shook my head. He sighed then he focused again his attention on the road.
“Napansin ko kasi na parang ang lalim ng iniisip mo, ayaw mo na bang tumuloy doon sa party? Maybe we can just go home if you’re not feeling well” sabi habang nagmamaneho.
Napayuko naman ako at napatingin doon sa mga daliri ko. Gusto ko sana siyang tanungin about doon sa nalaman ko pero parang hindi iyon ang tamang oras para doon. Masyado na siyang abala sa maraming bagay at ayoko namang dumagdag sa mga alalahanin niya.
“Wala, okay lang talaga ako Jared” sabi ko sa kanya at tumingin na lang sa daan.
“Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin okay?” he sincerely said as I felt his free hand held my left hand. Napatingin naman ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan. Tinignan ko yung magkahawak naming kamay.
Palihim akong napangiti doon. Lihim akong nanalangin na sana tama ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Chanel sa sinabi niya pero sana hindi ako masaktan. I’m afraid that my decisions I made were wrong. Ayokong patunayan sa mga magulang ko na tama sila, na lahat ng desisyon ko hindi makakabuti sa akin. I want to prove to them that I can decide on my own.
Tumingin na lang ulit ako sa malayo para i-divert ang isip ko sa pag-iisip. I closed my eyes and tried to find peace in my heart. Kailangan kong mai-condition ang sarili ko para sa party na iyon. Ayokong mapahiya si Jared ng dahil sa akin.
Psh! Kung bakit naman kasi kailangang kasama pa ako?
Huminga ako ng malalim at isinandal ang ulo ko sa may headrest tapos ay pinikit ko ang mata ko. Ayoko na sanang mag-isip pa ng kung ano pero hindi ko maiwasan. Pakiramdam ko tuloy madidistract ako mamaya doon sa party na yun. Sana naman i-ignore na lang ako ng mga tao doon. Okay lang naman sa akin na maging wallflower doon dahil wala rin naman akong planong makipagsosyalan at makipag-plastikan sa mga tao doon.
Sorry pero ganun talaga minsan ang point of view ko sa mga ganito. Gaya nga ng sabi ko, hindi ako into business and other elite activities. Feeling ko kasi if you just focus your attention on things like this you’re being ignorant to the reality that not all people can do things that you can do. Kaya naman maraming nagwa-waste na lang basta-basta ng mga resources nila dahil sure sila na kahit sayangin nila yun meron pa rin sila. Some people are taking things for granted, for their own satisfaction.
Bumuntong hininga ako.
Kaya kung ako lang din ang masusunod, I rather have a simple life and be contented on the things I have.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...