Kabanata 17: Three Hours
-Saerin Gail’s POV-
Sobrang awkward talaga ng pakiramdam ko habang naghihiwa ng mga gulay at kung ano pang gagamiting sangkap para sa lulutuing ‘Menudo’, ang paboritong pagkain ni Jared. Pinapanood lang kasi ako ng Mama niya. Natatakot ako kasi baka may magawa akong mali. Nacoconscious tuloy ako.
Marunong naman kasi talaga akong magluto ng Menudo, honestly speaking madali lang siya para sa akin since ito ang madalas kong lutuin. Pero iba talaga yung pakiramdam kapag may nanunuod sa’yo.
“Kailan ka gragraduate ija?” napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.
“Uhm, hopefully po by next year gragraduate na po ako” mahinang sagot ko sa kanya at nakita ko naman siyang ngumiti.
Ang awkward talaga, hindi ko alam kung paano ko talaga i-aapproach ang Mama ni Jared. Nahihiya talaga ako sa kanya. Tinignan ko siya sandali at tsaka muling bumalik sa ginagawa kong paghihiwa.
“Oh, that’s great” aniya at nakita ko sa peripheral vision ko na lumapit siya sa akin at kumuha rin siya kutsilyo at sangkalan. Lumapit siya sa akin at tinulungan din akong maghiwa.
“Hala, ako na lang po yung gagawa nito--“
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung humarap siya sa akin at ngumiti.
“Ano ka ba naman ija, hayaan mo na akong tumulong sa iyo. Magandang bonding din ito para sa ating dalawa” aniya at kinuha niya ang carrots na nasa harapan ko at sinimulang balatan.
“Sa ganitong paraan man lang ay makilala natin ang isa’t isa anak,” dugtong pa niya.
Natigilan ako at napatitig sa Mama ni Jared habang nakangiti ito at abala sa pagbabalat ng carrots. Lihim akong napangiti dahil sa pagtawag niya sa akin ng ‘anak’, it really melts my heart. Naramdaman ko yung pag-welcome niya sa akin sa family nila.
Tanggap niya kung ano ako. She accepted for who I am. Hindi niya pa ako lubusang nakikilala pero hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ako. I somehow envy Jared and Jerome for having a mother like her.
“Ahhh, Thank you po Ma--Mama”
I said and that caused her to look at me and smiled nakaramdam naman ako ng hiya kaya napayuko ako.
“Don’t be shy ija, its okay” sabi niya at dahil dun ay napabuntong hininga na lang ako.
Nagpatuloy kami sa ginagawa naming pagluluto. Confident naman ako magagawa kong maluto ng maayos ang Menudo pero parang nahiya ako sa cooking skills ko dahil nandito ang nanay ni Jared. Parang pakiramdam ko nasa isang exam ako ngayon eh. At heto ang challenge sa akin. Kapag bumagsak ako dito pahiya ako at ang angkan namin.
Paniguradong mapapagalitan na naman ako nila Papa.
“Nga pala ija, I heard from your mom na ayaw mo daw mag-celebrate ng eighteenth birthday mo? Why?” tanong niya sa akin.
So sinabi pala ni Mama sa kanila ang tungkol dito?
“Uhm ano po kasi eh,” napatigil ako. Fudge! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang rason ko. Baka kasi isipin niya na pinapairal ko ang selfishness ko.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...