#7: Rason

6.8K 193 9
                                    


Thank you po sa lahat ng nagbabasa neto. Hihihihihi <3 Labyu all! :) 

***

Ika-pitong Kabanata: Rason

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Unti-unti kong minulat yung mga mata ko at iginala yung tingin ko sa buong lugar. Bigla akong napaupo nung narealize ko na nasa isang unfamiliar bedroom ako.

Shems! Anong nangyari?! 

“Hi fiancé buti naman at nagising ka na?” napatingin ako sa gilid kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita ko si Jerome na nakaupo sa sofa habang nakangising nakatingin sa akin.

“Asan ako?” tanong ko sa kanya. Hindi ko na inisip pa yung sinabi niya. Alam kong hindi siya yung fiancé ko. It’s not him.

“Andito ka sa kwarto ng kapatid ko. Don’t worry safe ka dito” aniya sabay tayo sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin.

Pagkasabi niya nun at dahan-dahan kong iginala ang tingin ko sa buong lugar. Naalala ko yung mga nangyari kanina, napayuko ako at ibinaling yung atensyon ko sa mga daliri ko. I bit my lower lip nung napagtanto ko na nakakahiya yung nangyari kanina. I just lost my consciousness a while ago, at ang masaklap sa mga kamay niya pa. Hindi ko rin alam kung bakit yun nangyari, nakaramdam ako ng panghihina at pagod. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kanina.

“You’re trying to escape aren’t you?” tanong sakin ni Jerome nung makalapit siya sa lugar ko. Napatingin ako sa kanya pero agad ko ding iniwas. He’s right, that’s the thing I wanted to do a while ago. Hindi na ako nagsalita.

“Hmmm, let me tell you something… Alam mo ba na ako dapat ang papakasalan mo?”

Pagkasabi niya nun ay bigla akong napatingin sa kanya. Nginitian niya ako at umupo siya sa tabi ko. Nacurious ako sa sinabi niya, gusto kong ituloy niya yung kwento niya. Gusto kong malaman ang rason kung bakit yung kuya niya ang papakasalan ko kung siya naman pala dapat.

“Curious ka ba?” he chuckled “Hmmmm, nasabi na ng mga magulang ko sakin before na ako na lang daw yung i-aarrange marriage nila sa anak nung kasosyo nila sa negosyo. And like what you want to do, gusto ko ring tumakas. I don’t want to marry a stranger. Uhm, Ayokong matali sa kung sino, I want to enjoy my life. Siyempre nagplano akong maglayas at magpakalayo-layo. I even told my parents na si kuya na lang pero wala eh, ramdam ko na paborito nila si Kuya. He’s a big success sa pamilya kaya naman gusto nilang hayaan si kuya na pumili sa gusto niyang mapangasawa”

Tumahimik siya sandali tapos ay tinignan ako ng diretso at ngumisi, lalo akong nacurious sa kwento niya! Para siyang nambibitin eh!

“Then one month ago, my parents announced the name of the girl I’m going to marry. We’re having a dinner that time kaya andun din si Kuya. Our father told that I’m going to marry Mr. Samuel Dela Cruz’s only daughter, Saerin Gail Dela Cruz… and guess what? Sa halip na ako ang unang magreact eh inunahan pa ako nung kuya ko! Sinabi niya sa harap namin na hindi kita pwedeng pakasalan.”

Napa-anga ako sa sinabi niya. Bakit naman niya sasabihing hindi ako pwedeng pakasalan ni Jerome?

“Tapos?” tanong ko dahil di ko na kaya yung feeling na parang nasususpense ako sa kwento niya! Lakas makabitin eh!

“Dire-diretso niyang sinabi kay Dad na “He’s not going to marry her because I’ll be the one who will marry her. Ako ang papakasalan niya”. Nagulat talaga ako nung marinig ko yun mula sa kanya.” Aniya sabay buntong hininga, tumingin ulit siya sa akin and this time he’s smiling.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon