#29: Obsession

4.2K 116 15
                                    

Kabanata 29: Obsession

 

-Saerin Gail’s POV-

 

For the nth time, nakita ko na namang bumukas yung pintuan ng kwarto at pumasok ulit si Jared na may dala na namang tray na paniguradong may lamang pagkain. I rolled my eyes upward and ignored him, again.

“Hindi ka na naman kumain” malungkot na sabi niya habang nakatingin doon sa isa pang tray na dinala niya kaninang hapon. Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya at tumingin ng diretso. Tulad ng mga ginawa ko kanina at kahapon, hindi pa rin ako magsasalita. I’ll let him talk but I never listen. Para saan pa?

“Isa’t kalahating araw ka ng hindi kumakain, Gail, baka magkasakit ka niyan--” I cut him.

“I rather die than to stay here with you” I coldly said as I looked at him. Rumehistro ang sakit sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Huminga siya ng malalim at umupo sa may gilid na parte ng ng kama malapit sa akin at tumingin sa akin.

Gusto ko mang lumayo sa kanya ay hindi ko naman magawa dahil sa panghihina. Hindi pa ako kumakain hanggang ngayon kaya naman wala na talaga akong lakas para gumalaw pa. Makikipagmatigasan talaga ako sa kanya hanggang sa sumuko na lang siya at palayain ako.

“Gail,” aniya at inilagay sa table yung tray na may pagkain. Sinulyapan ko iyon at pinigilan ko talaga yung sarili kong matakam sa amoy nun. No. Gail. “Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?” bigong tanong niya.

“Kasi wala na ring mangyayari, it wouldn’t change anything. Hindi mababalik ng paliwanag mo ang tatlong taong kinuha mo sa akin, Jared” huminga ako ng malalim. “Niloko mo ko, niloko niyo akong lahat. Ngayon sabihin mo sa akin paano pa ako magtitiwala? Tatlong taon yun eh, tatlong taong panloloko? Paano mo nagawa yun ha? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Darryl yung totoo, kailan ko pa malalaman? Hanggang kailan niyo akong lolokohing lahat?” naluluhang sabi ko sa kanya.

Hindi naman na siya nagsalita at biglang napayuko. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa muli niya akong tignan at gumapang palapit sa akin. Halos mapaatras naman ako pero wala na pala akong aatrasan. Kumalabog ang puso ko ng inangat niya yung isang kamay niya at marahang hinawakan ang pisngi ko. Tatanggalin ko na sana yung kamay niya nung matagilan ako nung magsalita siya.

“A-akala ko ba mahal mo ako?” basag na wika niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Para bang na-caught off guard ako dahil sa tanong niya. Diretso lang niyang pinagmamasdan ang mukha ko habang nandoon pa rin yung bigong ekspresyon ng mukha niya. I suddenly feel hurt. Mahal ko siya, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pero parang ang hirap lang kasi talagang tanggapin.

Napaisip tuloy ako bigla, gaano ko ba siya kamahal?

Kung mahal ko siya, dapat bang patawarin ko siya sa mga ginawa niya?

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko. I sighed. Mula sa pisngi ko ay napunta yung kamay niya sa may baba ko at marahan itong inangat para mapatingin ulit ako sa kanya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon