Ikalimang Kabanata: Yung Katabing Bahay
-Saerin Gail’s POV-
Dahil sa pagpupumilit ni 'Kuya' Ethan na sumama ako sa kanya ay napapayag niya ako, naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay nila which is sa tabi lang pala ng bahay nila Darryl na tinutuluyan ko ngayon. Sa totoo lang, ang awkward nang pakiramdam ko ngayon, nahihiya kasi ako sa kanya dahil ang dami na niyang kinukwento sakin pero ako tango lang ng tango at sasagot lang kapag nagtatanong siya. Nalaman ko na mas matanda siya sakin. He’s already twenty three at nagmamanage na siya ng business nila. Well, obvious naman sa kanya yun dahil mukha siyang mayaman, aura pa lang niya ramdam mo na eh.
"Mahiyain ka siguro ano Gail? Hindi mo man lang kasi ako ganong kinikibo" aniya sabay tawa, napatingin ako sa kanya at nakita ko kung paano lumiit lalo yung mata niyang singkit sa pagtawa. Napatingin siya sa akin kaya napaiwas agad ako.
"Hindi naman," sabi ko habang diretsong nakatingin sa malayo "Minsan kasi ang awkward lang makipag-usap sa taong nakaka-amaze..."
At yun naman talaga ang malaking dahilan kung bakit nahihiya ako sa kanya, para kasing ang taas na niya kahit twenty three pa lang siya. Kinuwento niya kasi kanina kung paano siya namoblema sa pag-aasikaso sa business nilang complicated, samantalang ako isang math problem lang di ko pa masagot-sagot.
"Nakaka-amaze?" kunot noong tanong niya sakin. Dahan-dahan akong tumango pero nakatingin pa rin ng diretso, napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Hayyy, naiintimidate ako sa kanya, how I wish I can do the same like what my parents expect me to do. Pero mukhang imposible, I can’t be as successful as him.
“Naiintimidate ka ba sakin?” tanong niya na.
"Oo, you know bihira lang akong mapatabi sa mga young bachelors tulad mo, kita mo successful ka na po!" I sighed.
"I'm not yet that successful as what you think Gail," he looked at me and smiled "Kung iniisip mo na succeaaful na ang mga lalaking tulad ko then you're wrong..." napatigil siya sandali at naging seryoso yung tingin niya sakin "May mga bagay pa kaming pinaghihirapang makuha... you know every prince needs a princess, every king needs a queen, every man needs a woman" he said then winked at me.
Ano raw yun?
“Ha?” takang tanong ko, ngumiti naman siya at bumuntong hininga.
“Hindi porket may naachieve ka ngayon yun na yun, lahat ng tao maraming bagay na pinaghihirapang makamtan. Remember that every human being will always crave for more, they will keep on working hard to get all the things that they think will satisfy them, until they find contentment”
Natigilan ako sa sinabi niya, he got me there…sa punto niya. I sighed, he’s right. Siguro kaya ganito lang ako mag-isip kasi wala pa akong naachieve na kahit ano.
Napatigil ako sa paglalakad nung nasa may garden na nila kami, iniwan niya ako para ibalik sa kulungan si 'Potchie', ang asong muntik ng lumapa kay Saerin Gail. Tumingin ako sa paligid at namangha talaga ako sa ganda ng garden nila. Hindi ito ganun kalaki pero sapat na ito para sa mga bulaklak na tumutubo sa paligid. Halatang inaalagaan ng mabuti ng kung sinuman ang nakatira dito. Humakbang ako palapit sa mga roses at pinagmasdan ito ng mabuti. I'm not a fan of roses or any flowers pero ang makakita ng ganito ay talaga namang nakaka-attract.
"Gusto mo ng mga bulaklak?" napatingin ako kay 'Kuya' Ethan na naglalakad patungo sa direksyon ko. Napatayo ako ng maayos at tumingin sa kanya habang nailing. Ngumiti naman siya at napatingin din sa mga rosas na tinitignan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...