Thank you again for reading! :)
Please support 'Sleeping Beauty' and 'She's The Boss'. Love lots!
*****
Wakas
"The Beast miraculously changed into a handsome prince. He said, 'I was under a curse all these years and could only be relieved when someone fell in love with me. I am now cured of the curse because you truly love me.' And then, Beauty and the Beast were married and together they lived happily ever after."
Pagkatapos kong basahin 'yung kwento ay sinara ko na ang libro. Ngumiti ako sa mga batang nasa harapan ko. Nagsimula ulit silang mag-ingay tungkol sa nangyari doon sa kwentong binasa ko sa kanila.
"Nag-enjoy ba kayo doon sa kwento?" tanong ko sa kanila.
"Opo!" they all cheerfully answered.
"Ate, bakit po nawala 'yung sumpa kay Beast dahil lang sa love siya ni Beauty?" lumapit sa akin ang isang batang babae. Mabilis namang tumango ang mga batang kasama niya.
"Kasi tanggap ni Beauty si Beast kahit na noong nakakatakot pa lang 'yung itsura niya. At naramdaman iyon ni Beast, naramdaman niya ang pagmamahal ni Beauty sa kanya. Kaya siya nakawala sa sumpa sa kanya." I smiled at her.
"Ate di ko pa rin gets, e." napakamot siya sa kanyang ulo. "Paano niya naramdaman na mahal siya ni Beauty?"
"Kasi pumayag siya na sumama kay Beast." sabi ko at pinaupo ko siya sa tabi ko. "Di ba kahit na nakakatakot si Beast sumama pa rin sa kanya si Beauty. Ganun talaga kapag nagmamahal, handa mong gawin lahat para sa mahal mo. Hindi mo titignan kung ano ang itsura niya, yung ugali niya at kung sino siya. Ang mahalaga ay mahal mo siya."
"Ahh..." tumango silang lahat.
"Eh Ate paano naman naging gwapo si Beast?" tanong ng isa pang bata. "Edi mukha na siyang artista nun?" aniya. Tumawa naman kaming lahat sa sinabi niya.
"Pwede..." ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Alam niyo kasi, nababago ng love ang isang tao. Gaya ni Beast, nagbago siya dahil kay Beauty. Hindi lang naman iyon dahil sa pagmamahal ni Beauty, minahal din ni Beast si Beauty."
I smiled with that idea. Naalala ko si Jared dahil sa kwentong iyon.
"Ano kids? Nag-enjoy ba kayo?" lumapit sa amin si Mich, volunteer siya dito.
"Opo!" sagot ulit ng mga bata.
Tumayo ako at tumabi kay Mich. Masaya ako habang pinagmamasdan ang mga bata na nag-aayos na ng mga gamit nila. Siguro ay mapapadalas talaga ang pag-volunteer ko dito. Next time, I'll bring some of my friends here or maybe we can feature this on our future documentaries.
"Yehey! At dahil naayos niyo na ang mga gamit niyo, kakain na tayo! Gusto niyo na bang kumain?" tanong ulit ni Mich. Mabilis namang sumagot ang mga bata.
"Ano ulit ang kailangang gawin bago kumain?" tanong niya.
"Magdadasal!" sagot muli ng mga bata.
"Okay, so ngayon magpi-pray tayo para magpasalamat kay God sa blessings na binigay niya ngayon sa atin."
Tahimik ko silang pinagmasdan habang nagdadasal sila. I feel so overwhelmed seeing these children happy over simple things. They keep on reminding me that being happy doesn't require any extravagant things or what. It's being contented and thankful on the blessings that you received from God.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...