Grabe! Hehehe. Di ako makapaniwala na 900+ reads na siya ngayon. Parang nung isang araw 800 tas 700 lang siya. Tapos malapit na mag-1k! Kinikilig ako guys! Thank you po!
***
Ika-sampung Kabanata: Effect
-Saerin Gail’s POV-
Pagulong-gulong ulit ako sa kama ko. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari. Tatlong araw na yung nakalipas mula nung lumuhod sa harapan ko si Jared. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over. Hindi pa rin ako makatulog ng maayos! Lagi kasing pumapasok sa isip ko yung ginawa niya eh. Tapos aaminin kong kinilig ako dun. Siyempre ikaw ba naman di ba?
Pero sa tatlong araw na lumipas hindi ko pa nakita ulit si Jared, busy daw kasi siya sa business meetings nila ganun at ngayon daw ay may interview siya. At kung paano ko nalaman? Tinetext niya lang naman sakin yun. At kung kamusta ako? Heto nakakulong pa rin sa bahay. Namimiss ko nang lumabas at gumala, namimiss ko na sina Asha at Darryl. Namimiss ko na yung social life ko. Nakakamiss ang school. Di ko naman makausap ngayon sina Asha kasi busy daw sila. Tas si Darryl may game pa! Gusto kong panuorin!
Next week na lang daw ako papasok, mainit daw kasi ako sa media at mga tao ngayon lalo na nung inannounce ni Jared na girlfriend niya ako. Ang dami kasing issues tungkol doon. Nung tumingin nga ako sa internet kahapon may nabasa akong article dun na sinasabi na nabuntis daw ako kaya niya sinasabing girlfriend niya ako ganun ganun. Psh! Media nowadays! Di mo maintindihan, why they create issues na hindi naman makatotohanan at mostly ng mga tao papaniwalaan na lang agad yun. Tsaka hindi naman artista si Jared para pag-usapan ng ganito.
Balot na balot na ako ng kumot at feeling ko ang gulo-gulo na ng kama ko. I want to sleep but I can’t. Ang laki-laki na nga ng eyebags ko eh!
“Gail, ija, may nagpapabigay sayo nito o”
Napatingin ako sa pintuan at nakita doon si Nanay Ising na may dalang bouquet ng pink roses tsaka isang box na kulay pink din. Itinaklob ko muna sa akin yung kumot tsaka ngumiti doon ng bongga at nung okay na ako ay tinanggal ko ulit at umupo tsaka umupo ng maayos. Inabot naman sakin ni Nanay iyon.
Heto pa kasi yung isang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ng maayos eh!
Hindi pa nga nagpapakita sakin si Jared pero grabe naman siya kung magparamdam. Araw-araw kasi siyang nagpapadala ng bulaklak sakin, gaya nga ng sabi ko, hindi ko gaanong feel ang mga bulaklak pero iba pala talaga yung feeling kapag nakakatanggap ka nito mula sa isang tao.
“Ngumi-ngiti ka na naman diyan ija, kinikilig ka no?” asar sa akin ni Nanay Ising.
“Hindi po!”
Ngumuso ako at ibinaling ang tingin ko sa mga pink na roses. Oo na, kinikilig talaga ako. Masisisi niyo ba ako eh hopeless romantic din ako, pinangarap ko din to no!
“Asus ija, hindi naman kayang itago ng mga ngiti mo yang nararamdaman mo. Ang sweet naman pala nung Jared ija” sabi ni Nanay Ising sa akin.
Napangiti na lang ako, oh well I don’t know why he’s doing this pero I’m looking forward. Ewan ko ba pero ibang-iba talaga yung epekto ni Jared sakin eh.
“Basahin mo yung card ija,” nagmamadaling sabi ni Nanay Ising sa akin kaya agad ko naman yung kinuha yung kulay pink na envelope at binuksan ito.
“Watch my interview later, baby. Have a good day!”
Yun lang yung nakasulat sa card pero sapat na yun para magwala yung puso ko. Lol! Pero seryoso kinikilig ako!
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...