Kabanata 47
Hate
Mariin akong pumikit at niyakap pabalik si Jared. My tears won't stop falling right now. His hug made me so weak. I want to calm and comfort him pero hindi ko kaya. Hindi ko makontrol ang sarili kong emotion. Para bang kay tagal naming hindi nagkitang dalawa kaya sari-saring mga emosyon ang nararamdaman namin.
"I can't believe it..." mahinang bulong ni Jared at hinagkan niya ang gilid ng aking ulo.
Hindi ko alam kung gaano katagal niya akong niyakap bago siya humiwala sa akin. He looked at me and smiled widely. Bakas pa din ang mga luha sa mata niya. "Paanong? Alam mo na ikaw si Sai?" kumunot ang noo niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
I slowly nodded. "I'm sorry..."
He suddenly pulled me again for a hug.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa'yo, Jared. I'm so sorry..."
Humiwalay siya sa akin at pinagmasdan ako. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "Do you remember me then?" tanong niya.
Umiling ako at napayuko. "Wala akong naaalalang kahit ano, Jared. Sabi ni Mama ay na-comatose ako for three years dahil sa aksidenteng yun. Hindi ko na maaalala pa yung mga nangyari noon." mahina kong sambit. "Nito ko lang nalaman ang tungkol dito, sinabi sa akin ng dating nag-aalaga sa akin. Tapos pinakita sa akin ni Mama yung mga pictures ko noong bata pa ako."
Bumuntong hininga siya at yumuko. Pinulot niya yung picture naming dalawa noon.
"Bakit hindi ko man lang naisip ang bagay na 'to? I thought you're already gone. Akala ko iniwan mo na talaga ako noon." nakatingin pa rin siya doon sa picture.
"Hindi naman kita, iniwan eh..."
Nag-angat siya ng tingin sa akin. His eyes twinkled. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Masaya ako na ako lang pala ang babae sa buhay mo."
He smiled at me and pulled me again into a hug. "So my heart really belongs to you in the first place?" bahagya siyang tumawa. "Thank you, Gail..." malumanay na sambit niya.
"Sorry..." I hugged him back. "Sorry kasi isa ako sa mga dahilan kung bakit ka nahihirapan ng ganito ngayon."
"No," mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "You stayed with me, Gail. Nanatili ka sa tabi ko kahit na marami ka ng dahilan para lumayo sa akin. Kahit na nalaman mo ang tungkol kay Sai, alam ko na masakit iyon para sa'yo, you still stayed with me. Kaya hindi ka dapat humingi ng tawad sa mga ito. It's not your fault, Sai..."
Napangiti ako sa sinabi niya. Humiwalay ako sa kanya. "So sinong mas mahal mo? Si Gail o si Sai?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at marahang pinisil ang tungki ng ilong ko.
"Ikaw." tumawa siya.
Napanguso ako at bahagya siyang inirapan. Yumuko na lang ako at kinuha yung mga pictures na nakakalat sa sahig. Pagka-angat ko ay nakita ko na mataman naman siyang nakatingin sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Mas mahal ko ang taong kasama ko ngayon." seryoso niyang sambit. "Aaminin ko, sobrang saya ko na malaman kong ikaw pala ang babaeng una kong minahal pakiramdam ko ay bonus na iyon para sa akin. Minahal at mamahalin kita dahil ikaw si Gail, ang babaeng muntik ng sumira ng ilong ko." muli na naman siyang tumawa.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong muntik ng sumira ng ilong mo?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo din naaalala?" may bahid ng tampo sa tono niya. He sighed exasperatedly. "Nakakalungkot isipin na ako lang pala ang nakakaalala sa mga nakaraan nating dalawa."
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...