#2: Flashback

9.4K 209 4
                                    

Ikalawang Kabanata: Flashback

-Saerin Gail’s POV-

Wahhhhhhhhh! Bagsak na naman ako?! Nag-aral naman ako ng mabuti eh, bakit ganito pa rin?! Shete, bakit kasi ang hirap-hirap ng exam namin sa Marketing?! Pero nag-aral talaga ako eh naku naman! Nakatitig lang ako sa test paper ko, fudge, panigurado ako na magagalit na naman sakin si Papa neto. Hinawakan ko ang buhok ko at ginulo, naman eh! Seryoso nagets ko naman nung inaral ko eh, bakit ganito kinalabasan neto?!

“Nakakainis talaga!” bulalas ko. Hindi talaga ako makapaniwala, nakakafrustrate to grabe!

“O anong problema mo Gail?” napatingin ako kay Darryl, halatang kagagaling niya lang sa practice nila ng basketball, umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako tsaka kinuha yung test paper na hawak ko.

“Ikaw ba naligo na ha Darryl?” tanong ko sa kanya, although alam ko naman na nakaligo na siya kasi ang lakas nang amoy ng pabango niya.

“Oy, fresh na fresh kaya ako,” napatingin siya dun sa test paper ko at nakita ko na parang nagulat siya.

“Oy itsura mo? Hindi na nakakagulat yang ganyang score sakin no—Aray!” napahawak ako sa noo ko kasi bigla niyang pinitik. Sinamaan ko siya ng tingin, “Tss. Sabi ko sayo kumopya ka na sakin eh,” sabi niya habang nailing, napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

“Aba tuturuan mo pa akong maging masamang estudyante?” tumingin siya sakin at kumunot ang noo niya, napanguso ako at iniwas ko yung tingin ko sa kanya “Nag-aral naman ako eh, wahhhh! Bakit kasi ang talino mo Darryl, share mo naman yan” pabiro kong sabi.

“Tss. Sabi ko kasi sayo kapag may hindi ka naintindihan magpaturo ka, tsaka di ba sabi ko kumopya ka na? Papagalitan ka na naman ng mga magulang mo neto eh.” Napailing siya, tama siya mapapagalitan nga ako nila Papa, pero sanay na naman ako eh. Kaya okay lang siguro.

“Okay na yun kesa naman sa mangopya,” I sighed at sumandal sa may sandalan ng bench “sanay naman na akong mapagalitan eh” pabulong kong sabi at tsaka pilit na ngumiti.

“Ewan ko sayo,” Darryl said while looking at me “Kung bakit naman kasi hindi mo pa rin sinasabi sa magulang mo na hindi talaga para sayo tong Business Management ha? Tss, ipinagpipilitan mo yung sarili mo na aralin yung course na to where in fact, iba naman ang gusto mo.” Sermon niya sakin, I smiled bitterly and looked at him “Hindi naman nila ako pinapakinggan eh” I said bitterly.

We both sighed, umurong siya para makalapit pa lalo sakin tapos niyakap niya ako, “Tss, kung pwede lang itatanan na kita eh,” pabiro niyang sabi sa akin, napangiti ako at niyakap din siya pabalik, Masaya ako kasi may kaibigan akong tulad ni Darryl “Adik to”

“Next time kasi mangopya ka na o di kaya magpaturo ka na,” humiwalay na kami sa isa’t isa “Teka, asan si Asha? Bakit hindi mo kasama, wala na kayong klase di ba?” tanong niya, at dahil dun bigla akong natigilan, oo nga pala, ni hindi nga pala pumasok si Asha ngayon. Actually magkakaklase kaming tatlo ni Darryl, hindi lang umattend ng mga klase kanina si Darryl kasi nagtratraining sila ngayon para sa nalalapit na basketball competition ng school.

“Hindi siya pumasok ngayon, hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko,” nag-aalala kong sabi.

“Uhm, teka—“  hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil parang may nakita ito na ikinabigla niya, sinundan ko ang tingin niya at nagulat ako’t napatakip ng bibig nung makita ko si Adrian, ang boyfriend ni Asha na may kahalikang ibang babae.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon