Kabanata 20: Celebrating Alone
-Saerin Gail’s POV-
Hindi ko na alam kung pang-ilang beses ko na ‘tong bumuntong hininga, grabe nababaliw na talaga ako sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko masusuka ako na hihimatayin na hindi ko alam. Muli ko na namang ginulo ang buhok ko at nagpagulong-gulong sa kama. Nakakainis! Mababaliw na talaga ako!
“Aisssshhhhhhh!” frustrated na sigaw ko at tinakpan ang ulo ko ng unan.
Kung nagtataka kayo kung bakit ako nagkakaganito, ang dahilan lang naman ay, eighteen years old na ako bukas. Legal na ako simula bukas, pwede na rin akong makulong, pwede na akong bumoto at pwede na din akong mag-asawa. How nice right? Pwede na akong mag-asawa! Kaya hayun, bukas ikakasal na kami ni Jared. Grabe talaga! Biruin niyo ikakasal na agad ako!
Sa totoo lang hindi ko talaga maisip na ikakasal kami ni Jared, pakiramdam ko nagwawala yung puso ko sa sobrang kaba eh, hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko, para akong excited na kinakabahan na nalulungot na masaya na malungkot na parang natatae. Ewan ko. Nababaliw na talaga ako.
Hindi ko nga tuloy alam kung anong iisipin ko eh, kung yung birthday ko o yung kasal, pero wala parang ayoko na lang mag-isip ng kung ano. Nababaliw at naloloka na talaga ako eh.
“Anak? Ayos ka lang ba?” natigilan ako nung marinig ko si Mama. Napatingin ako sa may pinto ng kwarto ko at nakita ko siya dung nakatayo habang nakatingin sa akin.
“Ayos lang po ako” sagot ko habang nakahiga pa rin.
Umuwi kasi ako dito sa bahay dahil sa kagustuhan nila Mama, ipinaliwanag na kasi nila sa akin, sa amin ni Jared yung gagawin sa linggo, sa kasal namin. Ewan ko ba pero parang lutang yung isip ko, iniisip ko kasi yung kasal eh, ang gulo ko talaga. Parang gusto ko na ayoko ko. Ewan kahit naman sabihin kong ayoko, wala pa rin naman akong magagawa dahil yung kagustuhan pa rin talaga nila ang masusunod. Ang totoo nga niyan, mas excited pa sila kesa sa akin, sabi pa nga ni Papa huwag ko daw sukatin yung wedding gown dahil baka hindi daw matuloy yung kasal.
Parang all of a sudden, parang gusto kong sukatin yung gown. Chos!
“Anak…” rinig kong sabi ni Mama, may plano pa sana siyang sabihin pero hindi na niya ito natuloy at bumuntong hininga na lang siya.
“Ayos lang po talaga ako, Ma. Huwag niyo na po ako alalahin” I said and bitterness is obvious on my tone. Kahit kalian naman kasi hindi talaga nila ako inalala. I sighed.
Hanggang ngayon nagtatampo pa rin talaga ako kina Mama, medyo bitter kasi ako at hindi ko itatanggi iyon. Kahit naman masaya ako kay Jared, hindi ko pa rin maiiwasang magtanim ng hinanakit sa kanila. They control my life. They didn’t give me an opportunity to choose on my own. Biruin niyo kahit kasal ko planado na nila. Ang sakit lang talaga sa loob. Hayyy. But after all, hindi ko pa rin magawang manlaban sa kanila.
“Anak naman…” malumanay na sabi ni Ma. I looked at her and smiled sadly to her. Tumayo ako sa kama at nagpunta sa closet ko at kumuha doon ng jacket.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...