#30: Fear

4.2K 136 17
                                    

Kabanata 30: Fear

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa labas ng Emergency Room kung nasaan ngayon si Jared. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang luha ko sa pagtulo. If there’s someone who should blame on what happened, it’s me. This is really my fault. Naiinis ako dahil nangyari ‘to kay Jared, dapat ako na lang yung nasagasaan. Sana hindi niya na lang ako iniligtas. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang yung napahamak. Ako na lang sana yung nandyan.

Malaking kawalan si Jared kapag nagkataon, samantalang ako kahit mamatay ako wala namang mawawala, parang wala lang. I’m useless, puro na lang kapalpakan ang nadudulot ko sa mga tao, kahit kanino. Kaya sana ako na lang yung nandyan sa loob ngayon at hindi siya. Sana ako na lang.

“Gail!” napatingin ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng Mama ni Jared na mabilis na pumupunta sa lugar ko kasunod ang asawa niya at si Jerome.

Now how can I face them if this is my fault?

“Kamusta ka ija? Ang anak ko kamusta?” sunod-sunod na tanong niya ng makaupo siya sa tabi ko. I cried, again. Agad naman niya akong niyakap.

“Kasalanan ko po yung nangyari, hindi dapat siya mapapahamak kung hindi dahil sa akin. Kasalanan ko po yung nangyari. Patawarin niyo po ako” humahagulgol na sabi ko. I’ll gladly accept the fact that they will be mad at me right now. Sino ba namang hindi magagalit sa akin di ba? Pinahamak ko si Jared.

“Shhhh, it’s okay. Hindi natin ginusto yung nangyari, let’s just pray that my son will be safe okay? Don’t cry, Gail” malambot na sabi niya at marahang hinaplos ang likod ko. Sa halip na kumalma ay lalo akong napaiyak.

Siguro kung ang mga magulang ko ang kaharap ko ngayon ay baka nasaktan na nila ako sa ginawa ko kay Jared pero sila, nagawa pa akong yakapin ng Mama ni Jared. Hindi sila galit sa akin, something that I feel guilty.

“Patawarin niyo po talaga ako…” naiiyak na sabi ko pero mas hinigpitan lang niya ang yakap niya sa akin. “Hindi ko po sinasadyang mapahamak siya… hindi niya dapat ginawa yun, hinayaan niya na lang sana ako. Naging masama ako sa kanya, dapat hinayaan niya na lang ako” sunod-sunod na sabi ko habang humahagulgol.

“Shhhh,” pagpapatahan sa akin ng Mama ni Jared.

I really can’t call her ‘Mama’ right now, sobra akong naguguilty sa nangyari. Pakiramdam ko wala na akong mukhang ihaharap sa pamilya ni Jared. They gladly accepted me but I hurt Jared in return.

Wala ka talagang kwenta, Gail.

“Alam naming hindi hahayaang mapahamak ni Jared, Gail. You’re very important to him, mahal na mahal ka ni Jared kaya hindi ka niya pababayaan. Kung meron man siguro kayong problemang dalawa ngayon, naniniwala akong malalagpasan niyo yan. I know my son, hindi ka niya hahayaan lang” paniniguradong sabi sa akin ng Mama ni Jared.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon