#13: 6417

6.2K 158 23
                                    

Guys! Thank you sa pag-support sa story na ito. Sobrang kinikilig talaga ako, naiiyak ako sa sobrang overwhelmed! <3 

*** 

Ika-labing Tatlong Kabanata: 6417  

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Napalunok na lang ako nung mabuksan na niya yung pinto ng condo unit niya pagkalagay niya ng code. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. Mula nung nasa byahe kami papunta dito, all I can feel was nervousness. Pakiramdam ko nga lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba. Hindi na ako magtataka kung bigla ulit akong himatayin sa harapan niya.

I don’t know how he can make my heart beats faster than its normal beat. Every time I’m with him, pakiramdam ko na-aabnormal ang puso ko.

Hindi na ako magtataka na andito sa isang kilalang condominium ang unit niya, nasa fourteen floor ito. Nag-alala naman na ako nung napagtanto ko na sobrang layo nitong lugar niya from our school, wala pa naman na ngayon yung driver namin na naghahatid sa akin sa school lagi and besides hindi ko gamay ang lugar na ito. Iniisip ko kung paano ako makakapunta sa school mula dito, alin kaya ang sasakyan ko at kung ilang oras ang i-aadjust ko sa pagbyahe.

Nagbalik ako sa katinuan nung marinig ko ang pagsara ng pinto, napakisap ako ng mata at nagtaka ako kung bakit sinara ulit ni Jared yung pinto. I looked at him then he pointed the code lock with his lips. Naningkit ang mga mata ko habang tinitignan siya dahil hindi ko maintindihan yung gusto niyang iparating.

“Buksan mo,” sabi niya sa akin “I already told you the code right?” aniya.

“Bakit ako?” tanong ko.

Although yes, I already know the code, pero nahihiya ako! He’s the owner of this unit, at ito ang unang beses na tutuntong ako sa pamamahay niya, hindi naman siguro tama na ako ang magbukas right?

“Because from now on, dito ka na rin titira. Kaya dapat masanay ka na buksan ‘tong pinto, especially kung wala pa ako. Alangan namang hintayin mo pa ako” he said then he crossed his arms across his chest.

Inalis ko na lang yung tingin ko sa kanya at itinuon ang buong atensyon ko sa pindutan sa harapan ko. Huminga muna ako ng malalim bago inangat yung kanang kamay ko at doon sinimulang pindutin yung code na sinabi niya kanina sa akin.

6417

Yan yung code ng unit niya, actually kanina inisip ko kung saan niya nakuha yang code na yan. Kasi di ba madalas na ginagamit ng mga tao as code ay yung birthday, year kung kailangan sila pinanganak or something basta mga ganun. Pero sa kanya mukhang wala dun eh. Pero hindi ko naman na issue yung code niya di ba?

“Let’s go?” napatingin ako sa kanya, he widely opened the door and gesture his hand for me to go inside.

Nagsimula na akong humakbang papasok, kinakabahan talaga ako. This is my first time to enter a man’s condo unit, nung iginala ko yung paningin ko sa buong lugar. Masasabi ko na sobrang peaceful mag-stay dito. Sobrang lawak nung lugar, at sobrang ganda nung pagkakadisenyo sa buong unit. White ang nangingibabaw na kulay, from the ceiling, to the walls and even the tiles used in the flooring, puti lahat. Naisip ko tuloy na maybe white is his favorite color. At yung mga gamit niya, halatang mamahalin, from the chandelier, table, couch and everything! Sobrang mamahalin! But then, his unit was simple yet sophisticated and elegant. Bagay na bagay sa kanya, and now dito na rin ako titira. Makikita mo rin kung gaano siya ka-organisado at kalinis, halatang isang professional na businessman and architect ang nakatira.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon