Untold #2

4.4K 93 14
                                    

Special Chapter #2


"Gaano katagal ang leave mo?" tanong sa akin ni Jared pagpasok namin sa bahay.

Dito kami dumiretso pagkatapos ng reception. We decided to stay here for tonight bago kami umalis bukas para sa bakasyon namin. 

Iginala ko ang tingin ko sa buong bahay at tila ba kinakabisado ang bawat parte nito. Finally, we're going to live here. We will start to build our own happy family. We will live here and spend the rest of lives together.

Napatingin ako kay Jared at bahagyang ngumiti. "Two weeks..." I answered.

Kumunot naman ang noo niya at sumimangot ang kanyang mukha. Gusto kong matawa dahil sa reaction niya.

"Akala ko ba isang buwan?" aniya. Lalo siyang sumimangot. "You promised that to me!"

Hindi ko na mapigilang matawa sa sinabi niya. Para siyang batang nagta-tantrums. He glared and turned his back on me. Lalo akong natawa, ang cute lang kapag ini-inis si Jared.

"Sige, baby, tawanan mo pa ako." aniya.

"Ayos naman na ang two weeks ha? May documentary kaming gagawin kaya kailangan kong bumalik kaagad. Di ba sabi ko kanina... susuportahan mo ako? At ikaw ang aking number one fan?" nakangiti kong sabi sa kanya. Bahagya niya akong nilingon.

"Alright! Alright! You won... fine. Two weeks." napalabi siya at muli akong tinalikuran.

Humakbang naman ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod ng mahigpit. I can suddenly feel his heavy breathing as he hold my hand. I rested my head on his back. I married him seven years ago and I ddn't regret that decision. Jared is one of the best treasures that I have in my life.

"Gail..."

"One month and two weeks ang leave ko..." mahinang sabi ko.

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap sa akin. Kumunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ako. I smiled at him. Of course, gusto ko talaga na mas matagal kaming magkasama pagkatapos ng kasal namin. Hindi rin naman kami noon nagkaroon ng time na magkasamang dalawa noong una kaming kinasal dahil iba pa ang sitwasyon noon. Kaya gusto kong bumawi ngayon.

Napalabi siya para itago ang kanyang ngiti.

"Paano ang trabaho mo?" tanong niya sa akin. Kasabay nun ang pagdausdos ng kamay niya mula sa magkabilang balikat ko papunta sa kamay ko at mahigpit iyong hinawakan.

"Ayaw mo ba? Pwede ko namang bawiin-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang kanyang labi sa akin. He gently kissed me making me feel weak.

Humiwalay siya sa akin at ngumisi. "Mahal na mahal kita, Gail." aniya at muling lumapit sa akin at dinampian ng halik ang aking noo. I automatically closed my eyes when I felt his lips.

"Mahal na mahal din kita, Jared." I replied.

Unti-unting bumaba ang kanyang labi sa akin. His left hand rested on my waist while the other one made its way on my back sending a tickling effect on my body. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya kasabay ng paglalim ng kanyang halik. I kissed him with the same intensity.

The happiness that I'm feeling right now is so overwhelming. All the struggles we faced were all worth it. Our relationship became stronger. Lahat ng sakit na dinanas namin... heto na ang bunga, a stronger and better relationship. That's why I am so thankful that I didn't give up on my relationship with Jared... kasi kung sumuko ako baka wala kami dito ngayon.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon