#49: Right Time

3.4K 90 14
                                    

Kabanata 49

Right Time

"Jared..."

Kaagad akong naalimpungatan ng maramdaman ko na may humawak sa aking kamay. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Gail na nakamasid sa akin.

"Gising ka na..." I softly said. Tinignan ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Inayos ko ang upo ko habang inaantay ko ang mga sasabihin niya. She remained silent while looking at me. "May gusto ka bang kainin? I'll buy..."

Her eyes looked so sad. It really breaks my heart seeing her in this state.

"You looked so tired..." mahinang sambit niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "Magpahinga ka na, Jared. I'm fine..." pilit siyang ngumiti.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko sa mga sinabi niya. I know that she's not totally fine. She's trying but her expression is saying otherwise. Bahagya akong ngumiti sa kanya at huminga ng malalim.

"Hindi kita iiwan, Gail. Dito lang ako sa tabi mo hanggang sa tuluyan kang gumaling."

"Pero, paano ka? Mapapabayaan mo ang sarili mo. Pwede ka namang umuwi muna-"

"Will you rest for me instead? If you get well soon, I'll rest."

Hindi na siya nagsalita at tumango na lang. Nabalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at kung ano ang mga salitang sasabihin. I just want to protect her from any pain right now. But I can't. Hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin.

Paano ko iyon gagawin kung ako mismo ang nagdudulot sa kanya ng matinding sakit?

"Gail, I'm so sorry..." malungkot kong wika.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Wala ka namang kasalanan sa nangyari, Jared..."

I shook my head. "It's my fault. Dahil sa akin kaya ka sinaktan ni Alice. Hindi niya iyon gagawin sa'yo kung hindi dahil sa akin." napayuko ako.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. I looked at her. Bahagya siyang ngumiti. Kumislap ang mata niya dahil sa luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"Wala kang kasalanan, Jared. Wala..." umiling siya.

Bumigat ang paghinga ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. I feel so guilty. Paano niya nagagawang sabihin ito? She can blame me for all of these. Hindi ko maiwasang mag-isip, do I really deserve her? Dapat ba na ako ang nasa tabi niya ngayon?

Ang babaeng tulad niya ay pangarap lang ng isang tulad ko. Gusto ko siyang makamit pero ngayong nandito na siya ay pakiramdam ko isang malaking pagkakamali na nandito siya sa piling ko.

"Gail... I'm so sorry..." nabasag ang aking boses. "You don't deserve this kind of pain."

"Masakit para sa akin ang lahat ng nangyari, Jared. Pero mas hindi ko kayang makita ang lalaking mahal ko na mas nasasaktan dahil sinisisi niya ang sarili sa mga nangyari. Ayokong mahirapan ka ng ganito dahil mas masasaktan lang ako. Ayoko na ulit makita kang nasasaktan, Jared."

Parang may kung anong humaplos sa aking puso dahil sa sinabi niya. Bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang kanang kamay niya at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Huwag ka ng umiyak, Jared. It breaks my heart seeing you in pain. Tama na... you already experience so much pain. Tama na..."

"Magiging maayos din ang lahat..."

I feel like I'm a child again. She was able to bring out the child in me. This is all I ever wanted in my life. To have someone who will comfort me despite of who I am. I am vulnerable, tulad ng ibang mga bata noon gusto ko lang din ng isang tao na maiiyakan ko ng ganito. Gusto kong umiyak dahil sobra na akong nasasaktan. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na kailangan ko ng karamay. Na nahihirapan din ako sa sitwasyon ko.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon