Simula

22.2K 399 19
                                    

Copyright © 2014 by Hyunjiwon

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author.

All names used in this story are purely fictional and the product of author's imagination.

***

Note:

So yun, kung naisipan mong basahin ito o tignan kung ano to, nagpapasalamat na ako. Thank you! Hihihi. So kung nagtatanong kayo kung ano to? This is my own version of my favorite fairytale, Beauty and the Beast.

***

Ang Simula

Ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga sandali na ito, hindi ako makatingin sa kanya pero alam kong diretso siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, katulad to nung naramdaman ko noong unang beses ko siyang nakita, pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko when it comes to him. Para akong natatakot na hindi naman dapat. Takot nga ba talaga tong nararamdaman ko?

"B-bakit ako?" tanong ko sa kanya, avoiding his gaze. Napayuko ako at napatingin na lang sa keyboard ng laptop sa harapan ko. Kailan ba kakalma tong puso ko? Hindi na nga ata ako makahinga ng maayos sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko eh.

Nakayuko lang ako at inaantay ang sagot niya, hindi ko talaga alam kung bakit ako nandito at kung bakit siya ang nasa harapan ko ngayon, alam kong heto ang gustong mangyari ng mga magulang ko pero hindi ako makapaniwala na siya pala ang lalaking tinutukoy nila, pakiramdam ko tuloy ay tadhana ang naglapit saming dalawa ngayon.

Ilang segundong kaming natahimik, hindi niya ba sasagutin ang tanong ko? Bumuntong hininga ako at muling nagsalita, "Hindi ako matalino, wala akong matutulong sayo, mga magulang ko na ang nagsasabi na wala akong magandang magagawa, hindi rin ako maganda kumpara sa mga babae na nakakasalamuha mo, pwede kang tumanggi sa mga magulang ko, wala ka talagang mapapala sakin. I'm a failure, and you don't need to have me with you. Magiging pabigat lang ako sayo" Mahina kong sambit, I bit my lip para mapigilang maluha, not now. Pero masakit kasi yung moment na nilait mo yung sarili mo sa harap ng isang makapangyarihang tao, sa isang taong marami ng maipagmamalaki. Pero sabagay, sabi nga ng mga magulang ko, siya marami na siyang nagagawa kahit na ang bata niya palang, samantalang ako sa paningin nila, wala.

Nilaro-laro ko yung keyboard ng laptop to divert my attention, I heard him sigh, hindi ko pa rin siya tinitignan. I don't have the courage to do it, bukod sa dahil pinahiya ko na ang sarili ko sa kanya, iba talaga ang nagiging reaksyon ko kapag nakikita ko siya. Parang may something sa kanya na nagiging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit ikaw? Kasi ikaw ang gusto ko. Ikaw ang kailangan ko. I don't care about your flaws, as long as you'll end up being with me, its okay. I only want you to be mine."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, napatingin ako sa kanya na naging dahilan para magtama ang tingin namin, seryoso siyang nakatingin sa akin. At lalong lumakas ang tibok ng puso ko, kaya agad na napadako ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko, paano ko mapapakalma ang puso ko? Hindi rin ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko at dagdag mo pa tong abnormal na tibok ng puso ko. Hindi rin nakaligtas yung ginawa ko sa kanya, napadako ang tingin niya roon kaya agad kong tinanggal yung kamay ko doon at dahan-dahan itong naikuyom. Binalik niya ang tingin sa akin and he grinned, kaya napatingin ako sa gilid. I admit na mas gwapo talaga siya sa personal kesa sa nakita kong mga pictures niya kanina.

"I'm going to make you fall for me... too"

***

Vote| Comment| Be a Fan

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon