#43: Sai

3.1K 95 16
                                    

Kabanata 43

Sai

-Saerin Gail's POV-

"Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Jared. Habang inaayos namin yung mga inorder naming pagkain. Sinulyapan ko siya at nakita ko na nakamasid siya sa akin.

"Hindi pa..." ngumiti ako sa kanya. "Pero tama lang din na hindi ako kumain kasi libre mo pala yung dinner ko. Makakatipid ako ngayon." ipinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Natakam naman ako lalo nung maamoy ko yung pasta, pizza at chicken.

"Nakatipid? Eh ang dami mo ngang binili?" kunot noong tanong niya sa akin. Tinapunan niya sandali ng tingin yung mga paper bags na nasa sala.

"Iba naman 'yun." sinimangutan ko siya. Tumawa naman siya at lumapit sa akin. "Sorry wala akong nabili para sa'yo." napalabi ako.

Niyakap niya ako mula sa likod at ipinatong niya yung ulo niya sa kanang balikat ko.

"Huwag kang masyadong magpa-cute. I'll always end up liking you more. Baka hindi ka na talaga makalabas dito. You know it's really hard for me to let you go." malumanay na wika niya. Naramdaman ko naman na lalo niyang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

"Then don't let me go..." I softly murmured. Gusto ko na ayokong marinig niya iyon.

"The more you push me away the more you're pulling me closer to you... alam mo ba yun?" seryosong sambit niya habang marahan niya akong hinarap sa kanya. Sinalubong ko naman yung malalim na tingin niya sa akin.

"Jared..." bahagya siyang ngumiti sa akin. He was about to lean closer to me when I stopped him. "Nagugutom na ako." mahinang sabi ko.

Tumawa naman siya at lumayo sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Bakit ba ang dali mo akong napapasunod sa mga gusto mong mangyari?' tanong niya at lumapit doon sa plato at kumuha ng isa. Inabot niya naman ito sa akin. Lumapit ako sa kanya at mabilis iyong kinuha.

"Nagugutom na kasi talaga ako. Tsaka sayang yung pagkain kapag malamig na." nagsimula akong magsandok ng pasta. Sobrang gutom na talaga ako pakiramdam ko madami akong kakainin ngayon.

"Oo na..." napalabi na lang siya at kumuha na rin ng pagkain.

Pagkalapag ko nang pagkain ko ay nilapitan ko yung box ng cake na kasama din sa inorder namin. Binuksan ko ito at kinuha yung chocolate cake na nandoon. Hindi pa naman huli ang lahat para mai-celebrate namin ng masaya ang araw na ito. Tama si Jared, ang importante sa ngayon ay kaming dalawa.

"Hayan..." bahagya akong ngumiti. Pumunta ako sa kusina para masindihan yung kandila. Pagbalik ko ay nilapag ko sa gitna ng table kung nasaan kami ni Jared.

"Happy birthday to you..." nagsimula akong kumanta at pumalakpak. Ngumiti siya at bahagyang umiling tapos ay tumingin doon sa cake. "Happy birthday to you..." ngumiti ako sa kanya pagkatapos kong kumanta.

"Dali wish ka na..." masaya kong sabi.

Pumikit naman siya sandali tapos ay hinipan niya yung kandila. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko at marahan akong hinatak palapit sa kanya at niyakap. I hugged him back.

"Anong wish mo?" tanong ko sa kanya.

"Na sana magka-baby tayo..." aniya. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Jared naman eh! Seryoso ako dito eh..." ngumuso ako. Tumawa naman siya at hinigpitan yung yakap niya sa akin.

"Seryoso din ako. Para di ka na lumayo pa sa akin..." mahinang sambit niyà.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon