#14: Three Years Ago

5.9K 163 11
                                    

Yey! 2k na siya! Kinikilig talaga ako, nakakaiyak hihihi! Happy monthsary! Chos~ 

Wala talagang makakahula ng 6417 na code? :( 

Enjoy Reading! 

*** 

Ika-labing apat na Kabanata: Three Years Ago

 

-Jared Angelo’s POV-

 

I keep on asking myself if it’s really bad to be selfish, yung wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo. Yung wala kang pakialam sa mga matatapakan at masasaktan mo para lang makuha mo yung gusto mo. Masama yun di ba? Masamang maging makasarili, pero pinili ko ito, pinili kong maging makasarili na tao.

Natatakot akong sumugal sa pag-ibig, natatakot akong maulit ang nangyari sa akin noon, noong napahamak sa mismong harapan ko ang babaeng mahal ko. Wala akong nagawa para sa kanya, mahal ko siya pero wala akong magawa para tulungan siya. Ang tanging nagawa ko lang ay tignan siya hanggang sa tuluyan siyang nawala sa buhay ko.

From that day, I’m scared to take risk for love. I’m scared to fall in love again. I told myself that once I already feel in love again with someone, hindi ko na siya pakakawalan pa. I’ll make sure that she’ll end up with me no matter what.

At yun ang panahon na nakilala ko si Gail, ang babaeng biglang sumira sa pader na binuo ko sa puso ko sa loob ng ilang taon. She’s just fifteen that time while I’m twenty, graduating na ako nun samantalang siya at incoming first year student pa lang.

Siguro nakalimutan na niya ang una naming pagkikita noon pero ako hindi, hindi ko iyon makakalimutan because that’s the time when she caught my attention, doon niya nabihag ang puso ko.

 Sinandal ko ang ulo at likod ko sa may sandalan ng swivel chair ko, I’m here at my room and I’m doing some of my office work. Actually I don’t do office works here at my house. Mostly I’m trying to finish it at the office before I go home. But since, alam kong naandito na yung babaeng mahal ko, kasama ko. Parang gusto ko na lang laging umuwi, gusto ko siya laging makita, makausap at makasama.

I sighed and stood up to get some water. While walking, I can’t stop myself from smiling happily. The fact that I’m living now with the love of my life, makes me feel happy and contented. Kahit na alam kong hindi niya ako mahal, basta alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya, okay na sa akin yun. I’m selfish, at hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.

I’m currently playing the game called love. At isusugal ko na ang lahat for this game, para manalo ako. Handa akong suungin ang anumang bagay kahit pa ang impyerno para dito. Handa akong maging kontrabida para sa pag-ibig. I’m willing to become the beast of this story.

Gusto ko akin lang ang mahal ko. Akin lang si Gail. Akin lang siya.

I want her to fall for me badly, like what I feel for her. Gusto kong mahalin niya rin ako to the point na hindi niya kakayaning mawala ako sa bahay niya, gaya ng nararamdaman ko para sa kanya. He made me go head over heels for her. I’m madly in love with her, for three years.

Tatlong taon ko siyang minamahal, halos isigaw ko na sa buong mundo ang nararamdaman ko para sa kanya. Halos lahat ng estudyante sa Wiesel alam yun, that the great Jared Montello was in love with a third year student, five years younger than him. Alam nila kung paano ko binakuran ang babaeng mahal ko.

Pabalik na ako ng kwarto ko nung madaanan ko yung kwarto ni Gail, na half-open. Lumapit ako dito at dahan-dahang binuksan ang loob para makita ang loob, nakita ko siyang nakaupo at nakapatong ang ulo sa table. She’s sleeping. Dahan-dahan akong naglakad papasok at nagtungo sa kanya. At doon ko nakita ang natutulog niyang mukha. She really looks like an angel. I slowly reached for her face. Hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at isinabit sa may tainga niya. I leaned towards her, ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa kanya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon