Ika-labing Anim na Kabanata: His Mom
-Saerin Gail’s POV-
“Asar! Wala akong maintindihan sa mga pinapabasa sa amin! Tapos ang hahaba pa kaasar talaga!” sigaw ko at padabog na ibinato yung mga hand-outs na hawak ko sa kama.
Ibinagsak ko yung sarili ko sa kama at dun nagpagulong-gulong. Alam na this, babagsak ako sa graded recitation namin sa subject na ‘to. Malalagot na naman ako sa magulang ko! Tinitigan ko yung kisame at bumuntong hininga. Wala na talaga akong pag-asa. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga hand-outs na nasa tabi ko at saglit na pinagmasdan. Napanguso ako at tsaka inangat ang sarili ko umupo sa may gilid ng kama.
“Ang tahimik pa dito, hindi talaga ako sanay” bulong ko at tsaka iginala ang tingin sa buong kwarto.
Wala kasi akong pasok ngayon tapos si Jared naman ay nasa opisina niya ngayon at abala sa kung anuman ang dapat niyang pagkaabalahan dun. Hindi talaga ako nasanay dito kahit halos magdadalawang linggo na ako dito. Hindi talaga ako sanay na ako lang ang tao sa bahay. Sa amin kasi sobrang ingay, kapag wala akong pasok madalas kausap ko yung mga katulong namin o di kaya andun si Asha at Darryl o yung iba pa naming kaibigan. Pero dahil nasa ibang teritoryo ako, limitado ang mga kilos ko.
Gusto ko nga sanang papuntahin dito si Asha kaya lang baka malaman pa ng buong Wiesel na sa bahay na ako ni Jared nakatira. Hindi naman namin gustong ipaalam sa mga tao na magkasama kami sa iisang bahay dahil baka anong isipin nila. Ayoko ng madagdagan pa yung issue ko.
Kinuha ko yung phone ko at chineck kung may mga nagtext, nakita ko na naman yung sandamakmak na GM ng mga kaklase ko tungkol sa pag-ibig nila, tapos yung iba nagtatanong ng mga assignment. Napangiti ako nung makita ko yung text ni Jared. Putek! Kinikilig ako kaasar!
Jared:
How’s your day baby? Hope you’re okay because I’m not. I want to be with you but I can’t. I do have a lot of works to do. Don’t forget to eat okay? ;)
“Kyaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!” kinikilig na tili ko. Buti na lang at ako lang ang tao dito kaya malaya ko itong nagagawa. Shemay talaga ihhhh! Kinikilig talaga ako! Nakakainis. Tinawag niya pa akong baby shet! Ang lawak ng ngiti ko.
I’m really falling for him, and I’m really scared now.
Tinitigan ko ulit yung text niya habang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit ganito siya magpakilig, parang ang dali lang o dahil sa parte ‘to ng pagiging playboy niya? Kaasar talaga! Napanguso ako para pigilan na ang pag ngiti ko at pinag-isipan ko kung magrereply ba ako o hindi. Napagpasyahan ko namang magreply sa kanya pero naalala kong wala nga pala akong load. Okay.
Dismayado kong ipinagpatuloy na lang yung pagtingin ng mga messages sa phone ko. Naguilty tuloy ako dahil hindi ko man lang siya nareplyan. Natigilan na lang ako nung makita kong nagtext sa akin si Ma.
Mama:
Anak ayaw mo ba talagang mag-debut? Pwede naman nating ipa-rush. Minsan lang mag-eeighteen ang baby namin. Kausapin mo si Jared. Pumayag ka na anak?
Nasabi ko na bang mag-eeighteen na ako next week? Kung hindi pa, well hindi ko rin naman gaanong inaalala iyon. Masyado na akong occupied sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon at nawala na sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon. Parang para sa akin useless na ang pagcecelebrate ko nun. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim para pigilan ang sarili kong maiyak na naman. Ang bigat kasi sa pakiramdam kapag naalala ko ang naging usapan namin ng mga magulang ko tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...