#3: Ang Paglayas

8.4K 184 5
                                    


Hi guys! Thanks for reading, share niyo naman yung thoughts and opinion niyo. Hahaha. Nyahahaha. Anyways, thank you ulit! :) 

***

Ikatlong Kabanata: Ang Paglayas

-Saerin Gail's POV-

"Sigurado ka ba talaga dito sa plano ah Asha?" tanong ko na parang nagdududa pa sa ngayon, "Pano pag nalaman to ni Papa at Mama, baka pagalitan ka nila" nag-aalala kong sabi sa kanya, tinignan niya ako at naniningkit ang mga mata niya. She sighed.

"It's now or never Saerin Gail, gusto mo bang ibigay ka na lang ng mga magulang mo sa kung sino?! Girl, hindi pwede yun, lagi na lang nilang dinidiktahan yung buhay mo, tama na yung course mo sila na ang pumili, papayag ka ba na pati yung makasama mo forever sila pa rin ang pipili? Hindi ka magiging masaya sa ganun. Gail, I know you love you parents so much to the point na kahit masaktan ka okay lang, pero paano ka, yung nararamdaman mo?" napatigil siya at nararamdaman ko yung sakit sa puso ko sa sinabi niya, naiiyak ako.

All my life I’ve been so voiceless. Gusto kong pakinggan nila ako. Yung nararamdaman ko, yung mga gusto ko. All my life I’m hoping for that day na ako naman. Ako naman yung masusunod, na maniwala sila sa akin na kaya kong gawin yung best ko by doing things na alam nilang gusto ko.

"Minsan kailangan mo ring ipahayag sa kanila na nasasaktan ka, na gusto mong pakinggan ka nila, na kailangan ka nilang iconsider sa mga desisyon nila. Gail kahit ngayon lang, ipaalam mo sa kanila ang nararamdaman mo. Heto na yung oras para tumanggi ka sa kanila. You can't just marry someone Gail," hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya "Babalik ka rin sa mga magulang mo, kailangan mo lang munang iparamdam sa kanila na hindi nila pwedeng icontrol ang buhay mo habambuhay. Imagine marrying a stranger at titira ka pa kasama nung taong yun, may hawak na siya sayo kapag nangyari yun, he can do anything he wants. Argh, I think I should stop talking and get you out of this place!" she said frustatingly at hinatak na ako

Napaisip ako sa sinabi niya, yes pumayag ako na lumayas, tanghali ngayon at wala ang mga magulang ko dito, nasa kanya-kanya silang trabaho. Pinapabantayan nila ako sa mga katulong namin pero mautak talaga tong si Asha. Although I agreed to this, nagdadalawang isip pa ako, ayoko talagang gawin to dahil una alam kong magagalit sila sa akin at baka tuluyan na nga nila akong itaboy pangalawa ay dahil sa nangingibabaw pa rin yung pagpapahalaga ko sa kanila. Pero naisip ko na may punto si Asha, natatakot ako sa sinabi ni Asha tungkol sa lalaking gusto nilang ipakasal sa akin. And with that nakapagpasya na ako, aalis ako at ang isa sa nagtulak saking gawin ito ay ang takot na nararamdaman ko sa unknown guy na yun.

"Darryl is waiting for us, kailangan talaga nating magmadali!" sabi niya nung nakalabas na kami sa bahay namin, bumuntong hininga na lang ako at napapikit. Sa tanang buhay ko heto ang unang beses na susuwayin ko ang mga gusto ng magulang ko, heto ang unang beses na magagawa kong maglayas samin. Heto ang unang pagkakataon na papakinggan ko ang sarili ko. Kinakabahan ako kasi baka bigla kaming mahuli ng mga magulang ko. Ayokong mapahamak sila Asha at Darryl ng dahil sa akin, mga kaibigan ko sila, mahalaga sila sa akin, sila na lang ang nakakaintindi sa akin ngayon at ayoko naman na pati sila mawala pa sa akin.

Nagmasid si Asha sa paligid at tsaka ako hinatak para bilisan ko ang paglakad para makalabas kami ng subdivision, kinakabahan ako? Oo. Natatakot ako? Oo. Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pang umabot sa puntong na maglalayas ako ng bahay namin, hindi ko naimagine na magagawa ko to ngayon.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon