Hi guys! Thank you for supporting this story. Alam ko sobrang tagal bago ko 'to natapos pero sobrang blessed ng feeling na nandito pa rin yung mga solid supporters ng JAIL! Thank you guys! Love you all! God Bless!
Support niyo rin yung Sleeping Beauty na story ni Jerome. :)
*
Kabanata 50
Goodbye
"Nakahanda na ba ang mga gamit mo, anak?" tanong sa akin ni Mama.
Nilingon ko siya at bahagyang ngumiti. Tumango ako. "Opo, naayos ko na po 'yung mga gamit ko kahapon. Pupunta po ako ng school mamaya para ipasa yung mga articles na ginawa ko."
"Ganun ba? Sige, sasabihan ko si Manong na ihatid ka..."
"Salamat po..."
Masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraan. Nasaktan ako. Nasaktan si Jared. Pero masaya ako ngayon dahil unti-unti naming natanggap ang mga nangyari. Losing a child is so painful. Until now, it still hurts me. But I can't live my life carrying that pain. We need to move on and to let go.
Naniniwala ako na may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'to.
And I believe that it's for the best. Trials should make us stronger.
At iyon ang nangyari sa amin ni Jared. The trials we faced didn't weaken our love for each other but instead it proved how strong our love we have for each other. We were both broken that time but we tried to remain for each other. Siguro ay kung hindi kami naging matatag para sa isa't isa ay nasira na rin siguro kami.
"Sa makalawa na ang alis mo, Gail. Doon ka muna sa pamilya ng Tita Sylvia mo titira. Sila na ang bahala sa'yo doon. Your cousins will guide you there. Schoolmate mo si Seb at nangako naman siyang babantayan ka niya doon." sabi sa akin ni Papa.
Napagdesisyunan naming lahat na ituloy ang pag-aaral ko sa US gaya ng unang plano ng mga magulang ko. I'll be staying there for five years or more. Si Jared ang nagpumilit sa aking i-pursue ang opportunity nito kahit na nagdadalawang-isip ako dahil parang ayoko ng ideya na malalayo ako sa kanya. But he insisted and gave me an assurance that we will stay together no matter what. I didn't hesitate to trust him that's why I agreed. Nakapasa naman ako sa exam kaya natuloy na talaga ako.
"Hindi niyo naman po kailangang mag-abala pa ng ganito, Pa."
"Gail, wala kami doon ng Mama mo kaya mag-aalala kami sa'yo. Hindi ka rin namin madalas mabibisita and Jared too... kaya kailangan mo ng makakasama."
Hindi na ako umimik at tumango na lamang. "Thank you po, Pa..." I smiled at him.
"Mag-iingat ka doon at mag-aral mabuti, anak. Enjoy your life... nandito lang kami ng Mama mo para sa'yo, Gail. Susuportahan ka namin." ngumiti siya sa akin.
Pakiramdam ko ay sobrang saya ko sa mga sandaling ito. It's really happening! Ang mga pangyayari na akala ko ay sa panaginip ko na lang mangyayari. I am finally experiencing the freedom that I've always been dreaming.
"At kapag gusto mo ng hiwalayan si Jared, pwede naman. May divorce doon."
"Papa naman!" napalabi ako. "Hindi ako makikipaghiwalay sa kanya."
Tumawa lamang si Papa at lumapit sa akin. He sincerely smiled at me and hugged me. Niyakap ko naman siya pabalik ng mahigpit."Salamat, Pa..." malumanay na wika ko.
"You deserve this, Gail. You've been a good child to us." marahan niyang hinagod ang aking likuran. "Forget all the painful things that you experience here. Go and chase your dreams. I and your mother want you to be genuinely happy. Ang makita kang masaya sa mga bagay na gagawin mo... sapat na sa amin 'yun ng Mama mo."
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beast
Teen FictionFairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to make decisions on her own. She feels the need for her to be free however because of her selflessness and love for her family, she ended up foll...