#41: Totoo

2.6K 76 6
                                    

Kabanata 41

Totoo

-Saerin Gail's POV-

Pagdating ko ng bahay namin ay kaagad akong sinalubong ng mga katulong namin at ni Mama at Papa. Mabilis na lumapit sa akin si Mama at kaagad akong niyakap. Matagal ko rin silang hindi nakita. Simula nung magpakasal kami ni Jared ay hindi ko na sila ulit nakausap.

"Gail..." mahinang tawag sa akin ni Mama. Niyakap ko naman siya pabalik.

I remember those times that how I wish that I am not born in this family. Gusto ko mamuhay ng simple at tahimik, yung nasa isang normal na pamilya lang ako. Yung pamilyang kayang suportahan ang mga pangarap ko. Yung pamilyang hahayaan akong magdesisyon para sa sarili ko. Yung pamilyang malalapitan ko kaagad kapag kailangan ko sila.

How I hoped for that kind of family.

Tinignan ko si Papa na ngayon ay tahimik na nakatingin sa amin ni Mama. Pilit akong ngumiti sa kanya. Humiwalay ako kay Mama at tumingin din sa mga kasambahay namin na tuwang-tuwa na nakita ulit nila ako.

"Naku! Namiss talaga namin ang alaga namin!" masayang sabi ni Nanay Ising at sandali akong niyakap.

"Namiss ko rin po kayo!" ngumiti ako sa kanila.

"O siya pumasok muna tayo sa bahay para naman makakain ka na. Alam mo maagang nagising ang Mama mo kanina. Siya yung nagluto ng mga pagkain ngayon." masayang sabi ni Nanay Ising.

Napatingin ako kina Mama at bahagya silang ngumiti sa akin. Hinawakan naman ni Mama iyong kamay ko.

"Tara na?" aniya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.

Lahat sila ay kinamusta ako habang kumakain kami. Tinatanong nila kung kung may problema ba kami ni Jared ngayon kaya ako umuwi dito. Hindi ko naman sinabi sa kanila ang totoo. Hindi ko alam kung maiintindihan ba nila ako kapag sinabi ko ang problema namin ni Jared ngayon.

I miss this kind of life. Yung mga panahong hindi pa kumplikado ang lahat. Yes, I've dreamed for my freedom. But I never thought that my simple dream will become complicated. Pero ganun nga siguro ang buhay, unexpected.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo?" natigilan kaming lahat sa tanong ni Papa. Napatingin ako sa kanya at ganun din naman si Mama.

"Uhm, ayos lang naman po..." bahagya akong ngumiti. "Naghahabol pa po ako sa ibang mga namiss ko sa school pero kaya ko naman po. Magfi-finals na rin po kami next week."

"Ganun ba?"

"Opo..."

Bahagya namang ngumiti sa akin si Papa. "Huwag.ka ng mag-enroll next term"

Bahagya akong nagulat sa sinabing iyon ni Papa. I'm expecting him to say something good but it turns out that it will just break my heart.

"Pa naman, nag-aaral naman po akong mabuti." mahina kong sabi. Natahimik naman ang ibang nasa paligid namin dahil sa usapan namin ni Papa.

"Alam ko, pero para ito sa ikabubuti mo."

"Pa..." huminto ako ng hawakan ni Mama yung kamay ko.

Siguro nga hindi ko gusto yung course na kinukuha ko ngayon. Siguro nga hindi ako matalino, hindi tulad ni Jared. Siguro nga walang mapapala ang mga magulang ko sa akin kahit na makapagtapos ako. Pero sinusubukan ko naman na mag-aral ng mabuti. Gusto kong may marating sa buhay. Gusto ko na kahit ganito ang buhay ko ay masasabi ko na sinubukan ko. I did my best.

"Kakausapin ka namin anak pagkatapos kumain..." si Mama na ang nagsabi.

Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko. Wala naman akong nakitang pagbabago dito. It is still my room. Nasa ayos pa rin ang mga gamit ko. Umupo ako sa kama at bahagya itong hinaplos. Kusa ng tumulo ang luha sa mata ko. Bakit ang sakit?

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon