#34: Under a Curse

4.9K 120 10
                                    

Kabanata 34: Under a Curse  

 

-Jared Angelo’s POV-

 

“I’m your angel,” I said to her, smiling. Tinignan naman niya ako at napanguso habang nakatingin sa akin na para ba akong sinusuri.

 

“No, you’re not my angel” aniya habang nakakunot pa rin ang noo niyang nakatingin sa akin. “May angel lang sa pangalan mo Kuya pero hindi ka angel!” naiinis na sabi niya at tinuro ako.

 

She’s really cute and innocent. She doesn’t seem to care about this world as long as she’s having fun with the things around her. Kung sana ay naging tulad na lang niya ako, a person who doesn’t care about achievements as long as I’m happy.

 

“Wala ka namang pakpak tsaka yung bilog sa ulo!” nakangusong sabi niya. Hinuli ko naman yung kamay niyang nakaturo sa akin at marahan siyang hinatak paupo sa tabi ko at tsaka siya tinignan.

 

“Hindi naman mahalaga kung may pakpak ako o wala, ang importante nandito ako sa tabi mo at nababantayan kita” seryosong sabi ko sa kanya kahit alam ko na hindi naman niya ako maiintindihan. “Kapag kailangan mo ako, darating ako. Kahit anong kailangan mo, ibibigay ko para sa’yo” mahinang sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

 

Is it weird to be friends with someone who’s younger than you?

 

“Nilabhan ni yaya si Cupcake ko na malaki” sabi niya habang nakatingin ulit sa akin, she also created an invisible big circle in the air as if she’s describing how big that Cupcake is. “Wala tuloy akong kayakap kagabi nung matulog ako” she said while pouting. Napakunot naman ang noo ko sa kanya lalo na nung lumapit siya sa akin na para bang may kailangan siya sa akin.

 

“Hindi pa ba siya tuyo?” tanong ko. Umiling naman siya bilang sagot sa tanong ko.

 

“Anong gusto mong gawin ni Kuya ngayon?” I asked.

 

She smiled at me as she closed the distance between us when she hugged me. Natigilan naman ako nung sa ginawa niyang iyon. I slowly hug her back. And I need to admit, her hug feels so good. Parang ayoko ng kumalas pa.

 

“Can I hug you?” tanong niya at mas siniksik niya yung sarili niya sa akin. Napangiti ako at mas hinigpitan pa yung yakap sa kanya. Of course, she can.

 

“I won’t let you go” bulong ko sa may ulunan niya. “Never”

 

“Minsan natatakot ako sa mga monsters kaya gusto kong may kayakap kasi pakiramdam ko safe ako mula sa kanila” malambing na sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin, mas lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya sa akin.

 

“You don’t have to be scared, I’m here” mahinang bulong ko sa may ulunan niya.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon