Chapter: 1

614 31 0
                                    

Ako lang ba?

Ako lang ba ang ayaw maingay ang klase?!

Aaminin kong madaldal ako, pero ayaw ko nang maingay dahil wala akong kaingayan!

Ang ingay nanaman sa classroom. Kailan ba sila titigil sa kasisigaw?

Palibhasa wala yung teacher na nakaschedule ngayon kaya walang pawi ang ingay sa room. Sigurado ako marereport nanaman ang section na to dahil sa kaingayan.

E bakit ba wala yung teacher? Kasi, nagkaroon daw ng meeting. Kainis nga eh, kung wala naman palang magtuturo, bakit hindi pa i-dismissed ang klase?


Pauwiin nyo na kame parang awa nyo na! (insert alien voice effect)


Ayan... Sa sobrang boring ko, ang dami ko nang reklamo sa utak ko. Ang tagal naman kasi mag-bell!

" Magsi-tahimik kayong lahat!" sigaw ni Thomas. Sya ang sinasabi kong president ng klaseng ito. Pinupukpok na nya ang mesa pero walang nakikinig. Paano kasi, kahit ako rin naman di ko sya makita sa pwesto ko! Nakatayo na ba sya nan!? Sorry ha? Totoo kasi yung sinabi ko no. Hindi ko sya binubully! Hindi ako ganon. Ang sakin lang, walang effect yan. Kahit maliit sya, kung boring ang klase mag-iingay talaga. Teka? May connect pa ba yung sinsabi ko? Nabuburyo na nga talaga ako!


" Anong iniirap-irap mo dyan?!" rinig kong sigaw ni Thomas. Di ako nagulat don. Ang ikinagulat ko lang ay kung bakit sya nakatingin sakin! Ako ba yun?



"Me?" takang tanong ko habang nakatingin sa sarili ko.



" Oo sayo nga ako nakatingin diba?" sarkastikong sabi nya pa. Napakunot naman ang nuo ko.

" Ano?! Fyi lang ha, wala akong iniirapan!" inis kong sabi sa kanya! Ako nanaman pinupuntirya netong asungot na to!



" Anong hindi!? Kanina ka pa nakatitig sakin! Akala mo di ko napansin?! Pagkatapos non, umirap ka na! Anong gusto mong palabasin?!" galit na ngang aniya. Taka naman akong napa-isip. Nakatitig ba talaga ako sa kanya?! Like what? Kung ano-ano lang naman pumapasok sa isip ko kanina. Like duh! Kadiri! Bat ko naman sya titigan!



" Hoy wag kang feeling! Ni hindi nga kita makita sa pwesto ko eh! Baka sa blackboard lang talaga ako nakatingin! Namamalik mata ka lang!" inis ding sabi ko. Nagtawanan naman ang iba. Di ko alam na samin na pala ang atensyon nila. Ano ba yan! Kanina ayaw kong may nagsisigawan tapos ngayon heto ako! Nagsisigaw dahil sa paratang ng bansot na to!


" Anong sabi mo!" galit na sabi nya saka nagsimulang maglakad papunta sakin! Syempre natakot ako! Kahit bansot yan, walang inaatrasan yan! Gosh galit na si minion!





" Away! Away!" sigaw ng mga elementary classmates ko. Ay hindi pala! Grade 9 na pala kami pero kung umasta sila parang mga kinder!

Biglang huminto sa paglalakad ang bansot at masamang tiningnan ang mga lalaking nagsisigaw.


" Isa pa kayo! Mga hindi marunong makinig! Ako na nga pinagtripan nyong ibotong president tas ayaw nyo pa akong sundin!" sigaw nya rin sa kanila. Nagtawanan lang ang mga ungas.

" Bulilit-bulilit sanay sa masikip! Kung kumilos-kumilos ang liit liit! Bulilit!" kanta ng mga lalaking kaklase ko. Loko talaga ginalit pa lalo.


"Anong tinatawa tawa mo poste?!" galit na angil sakin! Bat ako nanaman!

At ano raw?!


" Poste?!" sabay-sabay naming sabi! Biglang nagtawanan ang lahat maliban sakin at kay Thomas! Parehas kaming masamang nakatingin sa isa't isa at feeling ko may kuryeteng dumadaloy sa mga tingin namin!


Anong poste?! Bakit poste!? Matangkad ako at... at...

" Kingina---" sa sobrang inis ko sinugod ko sya.





" Oh ano, Mr. Garcia, napasulat mo na ba yung mga assignments?" lahat kami ay nagtinginan sa nagsalita. Si Ma'am Myreen pala yon! Tapos na pala ang meeting nila!



" Hindi pa po Ma'am. " diretsong sagot ni Thomas. Paktay na.




" Anong hindi pa?! Kanina pa yon ha?! Ano banaman yan, Mr. President oo... Magbe-bell na at lahat wala paring nangyayari!" galit na sigaw pa ni Ma'am. Nakakakonsensya naman. Eh paano kasi, kanina pa e. Kanina pang maingay at di naman kasi nakikinig sa kanya ang klase.Napatungo nalang si Tomas. Kawawa naman.


" Ay nako! Lahat kayo! Magkakaroon ng recitation sa Monday! Lahat ng iyon ay nakalagay sa assignment nyo! Pag di kayo nakasagot, minus 5 direct to the card!" galit na sabi ni Ma'am at galit na lumabas ng classroom. Napatahimik naman ang lahat.


" Yan kase" bulungan ng mga kaklase ko. Nagsisihan pa diba?

" Oh ano nanaman!" inis kong sabi kay Thomas! Paano biglang titingin ng masama sakin! Ako nanaman siguro sinisisi nito!



Bigla syang tumalikod at kinuha ang bag nya naglakad sya at huminto sa harapan.



" Bahala kayo sa mga buhay nyo!" sigaw nya habang taas taas ang notebook saka naglakad paalis!

----

Support support! Thank you for reading!

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon