Chapter: 35

62 9 1
                                    

"Oh Ate, di ka nanaman papasok?" takang tanong ni Kisig na ngayon ay naka-uniporme na at mukhang aalis na habang ako ay kumukusot-kusot pa ang mata. Maya-maya umupo ako sa mesa.

"Ano bang nangyayari sayo ?" tanong ulit nito pero hindi ko sya sinagot. Tulala pa rin akong nakatitig sa mesa na akala mo wala kaming pasok.

"Nag-iwan na dyan si Mama ng baon natin. Mukhang di ka nanaman papasok. Mamaya mag-usap tayo."napatingin ako ng mabilis kay Kisig dahil seryoso ang tono ng boses nito. Totoo nga dahil pati mukha nya seryoso rin katulad nung isang kagabi. Napabuntong hininga ako. "Pumasok ka na."

"Babes tara na! Hi Ate Yumi!" sigaw ni Lily na nakasilip sa pintuan. Nginitian ko nalang sya habang sinusudan ko silang maglakad papalabas. Si Kisig talaga oh, pinaghintay pa si Lily tsk. Ilang araw na akong di pumapasok. Wala talaga akong gana. Tapos panay iyak pa ako sa gabi, nakakainis na.

Napatingin ako sa sala saka lumapit doon. Wala akong ganang kumain kaya binuksan ko nalang ang tv. It Showtime na ang palabas at tawang tawa ang mga madlang people sa ginagawa ni Jhong pati ni Vice. Hindi ko alam kung abnormal ba ako at di ako natatawa ngayon.


Lumipas ang maghapon at naabutan na ako ni Kisig na nakaupo parin sa sala at nanunuod ng mga palabas na di ko rin naman magets.

"Di ka pumasok Ate?"takang tanong nito habang inaayos ang sapatos nya sa gilid ng pintuan. Iniiwas ko nalang ang tingin sa kanya saka nanuod.

"Ate ano bang nangyayari sayo? Yari ka kay Mama pag nalaman nya yan"

"Edi wag mong sabihin"

"Idadamay mo pa ako!"

"Edi wag ka nang magsalita. Hayaan mong mapagalitan ako."

"Alam kong nagkukunyari ka lang na may sakit ka noong isang araw. Kita ko rin kung paano kayo magtitigan nung lalaking maliit. Nakita ko rin yang namamagang mata mo. Base sa suot nya, may feeling ako na sya yung pinuntahan mo noon. Kaya sabihin mo sakin, ano bang meron sa inyo ng bansot na yun?


Matatawa na ba ako dahil bansot din yung tinawag nya kay Thomas?

"Sya ba yung dahilan kung bakit ka ngiting ngiti na parang baliw sa cellphone mo?" dagdag nya pa. Napasimangot ako.

"Anong ginawa nya sayo?" mabilis akong napalingon kay Kisig dahil sa tono nya. "Di ka pa nagbibihis, kung ano ano na tinatanong mo!"


"Ate. I hate to say this, pero ayaw kong nakikita kitang umiiyak."seryosong aniya. Biglang bumagsak ang luhang di ko alam kung saan nanggaling. Kumunot ang nuo nya saka napaiwas ng tingin.

"E-ew! Layo! Ang asim!" sigaw nya nang yakapin ko sya. Nata-touch naman ako kay Kisig. Kahit pa inaasar nya ko, nag-aalala pala talaga sya sakin. "A-ate! Joke lang---"


"Thank you, Bebe. Gumaan pakiramdam ni Ate. You're my forever Bebe"

"Kadiri kaaaa!"


"Ayun nga yung nangyari. Wag mong sasabihin kay Mama. Mayayari talaga ako nito." duro ko sa kanya habang nasa kwarto. Buti nalang at may napagsabihan na ako. Kahit papaano gumaan pakiramdam ko.

"Layuan mo na sya. Nakabangga ko rin yun nung nakaraan. Akala ko first year, yun pala mas matanda sakin. Kaya pala ang tapang. Nag one on one kami sa basketball." inis na sabi ni Kisig.

"Sinong nanalo?"

"S-sya" utal na sabi nya saka nagsalubong ang kilay. Natawa naman ako. "Wala ka pala eh"

"Ano bang nagustuhan mo run sa bubwit na yun? Baka nga isang sipa ko lang tumilapon na kung saan yun. Baka isang suntok ko palang tumba na agad yun. Wala yun laban Ate. Tapos ikaw pa magpoprotekta sa kanya?" napapailing na sabi ni Kisig. Napabuntong hininga ako. Isang headlock ko lang doon nagsisigaw na yun sa sakit.


Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon