Chapter: 34

54 9 0
                                    

"Why? A-akala ko, kayo na? I-I'm sorry. N-nabalitaan ko lang sa...Teammates ko."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Timingnan ko si Bansot pero mukhang wala syang balak na bawiin yung sinabi nung lalaki. Panay parin ang pag-uusap nila habang ako,mukhang tangang nakatingin sa kanya. Minsan napapatingin sya sakin at naiinis ako sa ginagawa nya.

"Mag..."napalunok ako dahil di ako makagsalita ng maayos. Feelong ko anumang oras,maiiyak na ako.

"Oh, Ate mo?" takang tanong nung lalaki kay Bansot. Napapikit nalang ako sa inis. Kanina pa ako dito pero hindi manlang akong nagawang ipakilala.

"O-oo---"napapikit ako sa sagot nya. Mas lalo lang nitong pinasakit ang damdamin ko.

"Wag kang sasama kung kani-kanino ha. C-cr lang si Ate." sarkastikong sabi ko. Agad akong umalis doon ng hindi sila nililingon. As if namang sa cr ang punta ko. Dinahilan ko lang yun para makaalis. Mabilis akong nakalabas ng mall. Hindi ko na namalayan na lumuha na pala ako. Grabe. Bakit ba palagi nalang akong umiiyak?

"Mayumi!" napapikit ako ng marinig ang boses na yun. Mas lalo pang tumulo ang luha ko. Mabilis akong sumakay sa humintong jeep. Saktong puno na ito kaya agad nang umandar. Narinig ko pang tinatawag ako ni Bansot pero hindi ko na sya nilingon. Ayokong marinig ang boses nya, ni makita sya dahil nasasaktan ako. Habang nasa byahe,patuloy parin ako sa pag-iyak. Alam kong marami nang tumitingin sakin pero hindi ko nalang pinapansin. Siguro iniisip nilang nababaliw na ako. Wala akong paki-elam. Gusto kong i-head lock si Bansot ngayon. Gusto ko syang suntukin. Bakit? Bakot sya pumayag makipag-date? Bakit nya pinaramdam sakin lahat ng ka-sweetan kanina? Bakit nya sinabing meron na syang nararamdaman sakin? Ano yun? Pinaglalaruan nya ba ako?

Bakit nya pinaramdam sakin yun kung meron na pala syang...

Sila na pala...

Lalong umagos ang luha ko.  Bakit nya pinaglaruan ang feelings ko? Hindi ko na maintindihan.

Natauhan ako ng magsalita si Manong. Sabi nya bumaba na raw ako. Napatingin ako sa paligid. Wala na palang tao.Hindi ko na napansin sa kakaiyak ko. Saka lumagpas na pala ako samin. Agad akong nagbayad saka bumaba. Natanaw ko ang puregold. Agad akong pumasok. Gusto ko lang magpalamig saglit bago umuwi. Pagpasok ko agad akong tumungo sa grocery. Doon agad ako pumunta sa mga pagkain. Habang dumadampot ako ng mga junk food, napapaisip ako. Sila na pala, bakit sya nakipag-date sakin? Tapos sinabi nya pang nagseselos sya kay Gelo. Sila na pala bakit hindi nya agad sinabi sakin? Hindi yung umaasa ako na baka may pag-asa. Kung sinabi nya naman yun e,maiintindihan ko at hindi ko sya papakeelaman. Alam ko kung hanggang saan lang ako. Pero tinuloy nya parin. Nakipagkita parin sya sakin. Pinaasa nya akong meron syang nararamdaman sakin.

"Mayumi?" agad akong napalingon at nakita ko si Gelo na nakangiti. Biglang kumunot ang nuo nito at nawala ang ngiti nya. Naka blue oversized t-shirt sya at itim na shorts. Meron rin syang cart na dala. Halatang nag-grogrocery sya.

"W-what happ---" bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Bakit?" taka syang lumapit sakin at tiningnan ako. Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Di ko mahanap yung samyang" dahilan ko. Lalong kumunot ang nuo nya.

---

"So anong nangyari?" pag-uulit nya. Nilibre nya ako ng milktea. Hindi naman ako makatanggi dahil tulala lang akong naglalakad habang sumusunod sa kanya. Nasa 7-11 kami ngayon. Mamaya na raw sya uuwi. Hindi naman daw magagalit mama nya.

" Wala" pilit na ngiting sabi ko. Tiningnan naman nya ako na parang sinusuri. Napaatras pa ako sa lapit nya.

"You're lying. Namamaga ang mata mo, hindi lang basta gawa ng samyang yan" napatingin ako sa kanya. Sinisimsim nya ngayon ang milktea nya.

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon