Sa wakas! Eto na ang araw na pinakahihintay ko!
Matapos ng mga nangyari kahapon tinawagan ko si Amanda. Syempre para naman mamaya di ko na sya tatawagan pa para magkita kami. Oo nga pala, nandito kami ngayon sa bus. Kasalukuyan kong katabi si bansot! Nag-away pa kami kanina dahil gusto ko sa may dulo ng bus dahil nga malakas ang aircon. Sya naman ay sa unahan para daw makita nya lahat ng mga kasama namin! You know, president duties pinaninindigan nya talaga! Kaya sabi ko, dun sya kung gusto nya! Pero syempre nanaig ang magandang dilag na katulad ko kaya nandito kami sa dulo! Saka hello? Medyo mataas dito, perfect na perfect sa mga katulad nyang elemento!
Oo nga pala. Hindi pa ko nagpapasalamat sa bansot na 'to. Masyado akong na-carried away sa mga nangyayari kaya pati pagpapasalamat nakalimutan ko pa!
" H-hoy..." mahinang sabi ko. Tumingin naman sya ng masama sakin! Grabe! Napaka naman neto!
" Oh?" nakangusong tanong nya pa. Napa-irap nalang ako.
" S-salamat pala sa pautang mo bansot." ani ko saka nag-iwas ng tingin! Ewan ko ba! Ang cringey kasi! Hindi ako sanay!
" Tch. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil nagpasalamat ka... Oh maiinsulto sa pagtawag mo sakin ng bansot! Kailan mo ba titigilan yan?!" rinig kong inis na sabi nya. Di ko naman mapigilang matawa.
" Oh baket? Tinatawag mo nga akong poste eh? Nakakainsulto kaya yun!Duh!" inis ko ring sabi sabay harap sa kanya. Kunot-na kunot naman ang nuo nya habang nakatingin sakin! Maya-maya napabuntong hininga sya.
" Hindi na tayo mga bata. Tigilan na natin yang mga bansag na yan" seryosong sabi nito. Napangiwi naman ako.
" Coming from you ano? Hahaha! Mukha kang elementary studen---"
" Isa pa sasamain ka sakin!"
" hahaha pikon ang bata!"
" Hindi ako bata poste! Tumig---"
"Bata! Bata--"
" Close na close na kayo ano?" napatigil kami sa pag-aasaran at tumingin kay Lara ang muse ng klase. Hindi lang pala sya ang nakatingin, pati na ang iba naming kaklase! Anong tinitingin tingin nila dyan!?
" Hindi kami close!"sabay pa naming sabi saka nagkatinginan!
" Bat ka nanggagaya?!"
"Bat ka nanggagaya?!"" Hindi ako nanggagaya!"
" Hindi ako nanggagaya!"" Baka ikaw!"
" Baka ikaw!"Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil sa matinding inis!
" HAHHAHAHA! grabe ang cute nyong dalawa!" ani ni Lara habang tumatawa! Pati yung iba naming classmates!
" Ew! Mandiri ka nga Lara! Ako lang ang cute! Wag mong idikit ang isang to, sakin!" sabay turo kay bansot! Inalis nya naman ang pagkakaturo ko sa kanya.
" Tama nga naman Lara! Ang cute, ay para lamang sa aso. Tamang- tama kay poste, malayo palang nananahol na! Wag mo kong ididikit dyan dahil hindi ako cute! GWAPO ako! GWAPO!" sabay tayo saka hinawi ang buhok nya!
" Wow! Napaka-feeling mo talaga bansot. Umupo kana, kahit kasi tumayo ka, hindi parin nila makikita ang kapangitan mo. At isa pa, kinulang ka na nga sa height, WALA ka rin ng salitang gwapo kaya tigil-tigilan mo na yang pangarap mo"
" HAHAHAHHAA ang cute nyo talaga!" pag-uulit pa ni Lara. Eh kung busalan ko bibig nito nang manahimik!
" Baka naman kayo magkatuluya---"
" Ricardo it's a no, no. Kahit anong gawin nan ni Poste, walang epek sakin. Tuod yan eh! HAHAHA" malakas na tawang sabi ni bansot kaya maging ibang section napatingin narin sa gawi namin!
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...