" Ano ba bansot! Sabi ko na ayaw ko siyang makita!"
" Kung ikaw suko na, ako hindi pa!" inis na sabi nya. Papunta na kami ngayon sa classroom ni Amanda. Nakakainis! Palagi nalang akong dinadamay neto! Hindi nalang sya gumawa ng paraan eh!
" Wag kang mag-alala. Lahat, to may kapalit" habang tinataas ang dalawa nyang kilay. Salubong na kilay ko naman syang tiningnan. Napahinto na kami sa labas ng pinto. Pinatawag nya sa kaklase ni Amanda si Amanda. Mayamaya pa, lumabas na sya. Parang mas lalo ata syang gumanda. Nag-iba rin sya ng hairstyle. Ngayon may side bangs na sya. Mukha na syang japanese! Ang cute >3<
" Ohayou! Moshi! Moshi!" biglang sabi ko! Napatingin lang ako kay bansot na tulala lang saka napatingin sakin. Naging aligaga sya.
" O-ohayo" biglang sabi ni bansot! Nanlaki naman ang mata ko! Bigla syang napatingin sakin at mayamaya pa ay namula na ang buong mukha nya!
" Ahahaha! Ano bang sinasabi nyo! Loko kayo ah!" natatawang sabi nya. Nako panigurado matutulala nanaman si bansot sa tawa ni Amanda. Pagkalingon ko ay nakatulala nga sya. See? Kahit ata babae pwedeng ma-fall kay Amanda e!
Bigla ko syang siniko.
" Ahh. Ano..."mahinang sabi nya kaya napairap nalang ako. Ganito ba talaga sya?
" So-sorry nga pala Thomas."sinserong ani nya kay bansot. Napatingin naman si bansot sa kanya. Parang gusto ko nalang umalis dito para naman may time silang dalawa na mag-usap.
"Kasi... Sa mga sinabi ko. Hindi ko sinasadya---"
" Hindi. Ayos lang. Yun naman kasi ang nararamdaman mo kaya tatanggapin ko yun."
" Pero... Di ko manlang inisip ang mararamdaman mo. Sorry ulit."
"Ayos nga lang" ngiting sabi ni bansot.
"Pero---"
" Ay nako, Amanda! Kung nagui-guilty ka, ilibre mo si bansot okay?! Sige na! Alis na ko! Byyyeeeuuu!" diretso kong sabi. Sa wakas, makakaalis narin!Ayoko talaga makinig sa usapan na katulad nito eh! Hehe---
"Ano ba bansot!" leche! Hindi ko namalayan na mabilis akong pinigilan ni bansot!
" T-tama ka Mayumi! A-ano..."ani ni Amanda kaya napahinto ako.
---
Plaza.
Pinilit akong isinama ni Amanda at syempre ni bansot.Nasa plaza kaming apat. Oo apat kami dahil kasama si Kin. Ewan ko pero kasama sya at di ako komportable doon!
" Sige lang! Kumuha pa kayo! Akong bahala" masiglang sabi ni Amanda. Nandito kami ngayon sa stall ng mga tusok-tusok. Nag-insist yung dalawang boys na sila na ang magbabayad pero di parin sila nanalo kay Amanda.
" Mayumi bat ang tahimik mo?" bakas ang pagtataka sa tanong ni Kin. Napatingin tuloy ako sa direksyon nila maging silang lahat sa direksyon ko. Bigla akong napatingin kay bansot. Napatigil tuloy sya sa pagkain nya.
" K-kumakain kasi ako e he-he"pagsisinungaling ko. Ewan ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanila. Na-aawkwardan ako na ewan!
Hi-Hindi pwede! Kapag nagpatuloy to, baka isa sa kanila ang mawala sakin! Or worst silang pareho ni Amanda at Kin ang mawala sakin! Ayoko! Naging kaibigan ko na si Amanda. Si Kin naman, unti-unti na akong napapalapit sa kanya. Hindi pwedeng masayang lang yung mga pinagsamahan namin!
" Sigurado ka bang ayos ka lang?" alalang tanong ni Amanda. Bakit ko naman sya kailangang iwasan? Kahit kasi hindi ko isipin yun, kusang gumagalaw ang katawan ko para iwasan sya. Hindi naman nya kasalanan na magkagusto sa kanya si Kin.
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...