Chapter: 14

85 13 0
                                    

" Ako'y sayo, ikaw ay Akin"

"WHOOO!"

" Ganda mo, sa paningin" natatawa nyang kanta saka pinasadahan ang mga tao.Nagulat naman ako ng mapatingin sya sakin. Matik na nagsalubong ang mga kilay nya!

" Ako ngayo'y nag-iisa..." parang ang husky ng voice ni bansot. Edi sana all! Napa-irap nalang ako!

" Sana ay... tabihan na" saka sya ulit napatingin sakin. Wala na ang salubong na kilay nya. Ngumisi lang sya matapos kantahin ang linyang yun.

*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug*

Hala! A-ano 'to?!

Ba-bakit biglang...

Y-yung puso ko ba yun?

Nanlaki ang mata ko saka napahawak sa puso ko. Napatingin ako sa direksyon ni bansot at patuloy parin sya sa pagkanta. Tumatawa sya dahil pumupiyok na sya sa taas ng kanta.

Bakit di ko magawang matawa?!

" Ang ganda pala ng boses ni Thomas no?" agad akong napalingon kay Amanda. Nakangiti lang sya habang nakatingin sakin. Kumunot naman ang nuo ko.

" Aside from being athletic, he has that, really good voice.I envy him for that. Kung aayusin lang sana nya hahaha! Pero knowing Thomas, lahat ata, ginagawa nyang joke!" natatawang sabi ni Kin. Inis naman akong uniwas ng tingin kay Amanda dahil sa ngiti nitong halatang nang-aasar!

Muli akong napatingin kay bansot. Nasa pinaka-mataas na kanta na sya.

" SA ILALIM NG PUTING ILAW! SA DILAAAW NA BUWAAAN!"sigaw nya.

" WHOOOOOO!!! HAHAHHAHA!" sigawan ng mga tao! Hala! Di ko napansing dumami na ang mga nanunuod!

Muli akong napatingin kay bansot na ngayon ay tatawa-tawa nang kumakanta. Gusto kong matawa. Pero bigla akong nainis dahil nagtama nanaman ang paningin namin! Bigla ay parang bumagal ang paligid! Anong nangyayare?! Lasing ba ko?

B-bakit nag-zu-zoom ang paningin ko sa mukha mo! Ew!

Napunta ang paningin ko sa mata nya. Bilugan. Kadalasan, galit. Pero ngayon, mukhang tumatawa ang mga mata nya. Bumaba ang paningin ko sa ilong nyang matangos. Hanggang sa napako ako sa mga labi nyang manipis. Parang kumikinang? Naglilip-gloss ba sya? Parang alam mo yun, gusto kong hali---

*Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug* *Tug* *Dug*

What the heck Mayumi?! Ano bang iniisip mo?! A-ano ba tong kumakabog sa dibdib ko!?

" Mayumi, ikaw na ata"

Bigla akong napatayo sa gulat! Ano bang iniisip ko! Iniiling iling ko ang ulo ko. Kung pwede nga lang iuntog ko ang ulo ko sa sahig para mawala itong nakakadiring iniisip ko eh!

"Anong ginagawa mo?" ani ni bansot na di ko namalayang nasa harapan ko na. Nanlaki ang mata ko sa gulat kaya naman napaatras ako!

" M-malamang... K-kanta na!" sigaw ko saka mabilis na naglakad papuntang mini stage. Napahawak uli ako sa dibdib ko na ang lakas ng kabog.

Baka kinakabahan lang ako? Oo nga! Syempre kaylangan ko itong maipanalo para di ako ang maparusahan!

Bigla tuloy nawala ang kabang naramdaman ko dahil sa motivation na naisip ko. Tama yan Mayumi! Ang galing mo talaga!

Pumwesto na ko sa upuan. Kinakabahan ako. Bakit kasi biglang dumami ang manunuod?! Ano? May artista ba?! May singer?! Kaasar!

" GO MAYUMI! *clap* *clap* clap* Poste for the win!" sigaw nila Amanda! Mas lalo tuloy akong kinabahan! Baka mag-expect ang mga madlang people sa magandang boses ko! Saka naiinis din ako dahil sa kakatawag nila saking poste! Maya-maya pa biglang tumugtog ang intro ng Akin ka nalang ni Morisette Amon. Eto talaga pinili ko e. Paano, nalaman kong pag mataas boses mo kahit pangit ito, mataas ang chance na mataas ang score! Kaya wala akong pakielam! Rakrakan na to!

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon