Weekend.
Sa sobrang bored ko sa bahay, nagpunta akong Plaza. Pero naingayan din ako kaya nagpunta nalang akong kalbaryo.
Masarap ang hangin at hapon narin. Kitang kita ko ang bayan namin mula dito. Ang mabahong lawa mula sa bayan ay hindi ko na naamoy bagkus muka itong maganda at maaliwalas!
Pero bakit nga ba,gusto ko nang tahimik na lugar e ke daldal ko kaya?
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako dahil sa nangyari kahapon. Pati na rin sa sinabi ko kay Bansot na malandi sya! Hindi ko sadya yun, promise!
Ewan ko ba. Paano ko ba sya haharapin sa lunes?
Malapit na pala ang exam namin. Pagkatapos non, sasabihan ko na syang itigil na nya ang pagtuturo sakin. Ang laki laki ko na, kaylangan ko nang tumayo sa sarili kong paa. Pero gusto ko ba talaga yun?
Pag natapos yun, mawawalan na kami ng koneksyon. Hindi naman sa, hindi na kami mag-uusap. Ang ibig kong sabihin, yung time na makakasama ko sya. Pag natapos yun, hindi na ako makakapunta sa practice nila! Pero ang babaeng yun makakadikit sya ng malaya sa kanya!
Teka? Bat ko ba iniisip yun? Eh ano naman kung magkasama sila? May gusto lang naman ako sa kanya hindi to the point na... Gusto ko syang maging boyfriend!
Duhhh! Patatapusin ko lang tong nararamdaman ko! Mawawala rin toh!
Tama! Wag ko na masyadong isipin yun!
Monday
" Hala pano yan si Thomas lang lalaki?"
" Kaya nga e."
"Basta hindi ako magsasalita! Props lang ako!"
"Ako nalang yung abay!"
Gusto ko nalang din maging abay.
Nandito kami sa classroom at nagkaroon kami ng groupings. Ang natoka samin ay marriage sa subject na Esp pambihira. Hanggang ngayon hindi kami nagpapansinan ni Bansot. Ayun nga oh, nakasimangot sa upuan nya.
" Ahh alam ko na" nakangiting sabi ng leader namin na si Lara. Bigla itong tumingin sakin kaya napataas ako ng kilay.
" Abay lang ako" diretsong sabi ko. Napailing naman sya kaya nangunot ang nuo ko.
" Gagi hindi! Ako magdedesisyon okay?"
" Last 5 seconds!"
Nataranta ang lahat tapos kami wala pang script tae!
---
" Group 5" sigaw ni Ma'am Langit. Napalunok naman ako saka tumayo. Tumayo naman ang leader naming si Lara sa gitna habang nasa likuran kami.
" Hello everyone! This is our roleplay na tatawagin naming marriage! Dito po ipapakita ang kahalagahan ng marriage contract bla bla bla" basta andami nyang sinabi at kinakabahan ako!
Pumwesto na ang leader namin sa mesa. Pumwesto naman kami ni Bansot sa tabi nito. Tae! Wala man lang kaming naihandang script! Bara-bara lang!
" A-anong sasabihin ko?" mahina kong bulong.
"Wag ka nang magsalita. Pumirma ka nalang" nangingiting ani ni Lara sa table kaya agad akong pumirma ng walang sabi sabi. Tae anong klaseng role play to?!
Mayamaya pa, nag-ayos na ang dalawang babaeng kaklase ko na magiging abay. Habang ako ay nasa gilid ni Lara na nagmistulang pari namin. Nakakainis! Bat ako pa napiling maging groom ni Bansot punyemas!
" Ten ten nenen... Ten ten nenen... Ten tenenen nen tenenn"
Narinig kong kanta nung dalawa. Nakisabay naman ang buong klase na nagtatawanan pa. Pinaliwanag ni Lara yung ginawa namin kanina sa pagpirma ng marriage contract, akala ko hindi nya gagawin dahil mukhang nagtataka yung mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...