Matapos nangyari ang eksenang dramahan ni bansot, nilibre nya ko. Oh diba himala?! Nagtila anghel ang duwende! Hindi narin kami nakapasok kahapon. Natakot ako dahil may nalalaman pala si bansot na sikretong lagusan papunta sa labas! Nalaman ko na kaya alam nya dahil pag nabobored daw sya madalas daw syang lumabas saglit at bumili ng tusok-tusok! Kaya alam nyo na kung anong nilibre nya sakin diba? Mga tusok-tusok rin. Saka nabuset din ako dahil sabi nya, dagdag daw sa utang ko yung pinangbili nya ng pagkain ko! Eh nakain ko nang lahat! Siraulo! Pero joke lang daw kasi baka mapatay ko na sya nung time na yun dahil sa pagkakaheadlock nya! Hindi rin kami pinagalitan kasi hindi naman kami nakita nung last teacher na nagturo. Pero sabi ng classmates namin hinahanap kami!
Kaya eto, pagdating ko sa bahay, hapong hapo ako. Nakahiga nalang ako at nakatitig sa kisame slash bubong. May sarili naman kaming kwarto, pero kasama ko ang bunso kong kapatid na si Makisig grade 7 na. Panghapon rin sila pero may mas nauuna sya sakin dahil pag kasama daw nya ko nalelate daw sya sa service namin. Wala naman akong problema sa kapatid ko, dahil school bahay lang naman yan.
Kinabukasan
Malapit nang mag pasko. Syempre malapit na rin ang christmas party! Tinatamad na talaga akong pumasok! Busy kaming lahat ka-checheck ng mga exams. Tsk nakakatamad!
Simula nga pala ng mga magagandang sinabi ko kay bansot, palagi nya na akong inaasar! Nakakabadtrip yung mga panggagaya nya sakin!
" 50, letter C!" sigaw ni bansot sa unahan.
" Yes!" nasabi ko nalang dahil tapos na kaming mag check! Syempre recess na at pwede na akong lumandi sa labas! Hahaha joke!
" Anong yes? Umupo muna kayo! Yung score na 50! Akin na!" sigaw nya! Nakakainis naman! Kailangan pa palang ipasa isa-isa leche! Syempre kamalas malasang yung test paper na chinekan ko e yung kaklase kong once in a blue moon lang pumasok! Matagal pa akong makakalabas nito! 10 lang kasi yung score nya!Nakakairitaaa!
---
Gutom na gutom na ko! Hindi kasi ako nag-almusal dahil anong oras na ako nagising. Kaya naisipan kong bumili ng maraming tinapay para busog lusog!
" Ang dami ah?" napalingon ako sa nagsalita.
" K-Kin" ani ko. Akala ko hindi ko sya makikita ngayon! I mean anong oras na, magbebell na ata? Bat nasa labas parin sya?
" Tulungan na kita" ngiting sabi nya. Nanlaki naman ang mata ko sa mga bitbit kong limang tinapay! Omy! Nakakahiya! Isipin pa nyang patay-gutom ako!
" Ahh haha, hindi. Namimili lang ako. Hehe isa lang kailangan ko" pagkatapos ay ibinalik ko sa tindera yung ibang tinapay na pinili ko. Nagsalubong naman ang kilay nung tindera. Napahinga nalang ako ng malalim habang nag-iiwas ng tingin sa tindera.
---
" Ahh kaya pala" nasabi ko nalang. Nagkwekwentuhan kasi kami ni Kin sa canteen. Nakakahiya dahil binili nya pala yung picture namin ni bansot na mukhang ewan habang nakasakay sa roller coaster!
" Mayumi! Kin!" napalingon ako sa likod at nakita kong papalapit sa pwesto namin si Amanda na ngiting ngiti.
" Uy!" masiglang sabi ko. Napatingin naman sya kay Kin kaya napatingin din ako. Nagulat ako sa reaksyon ni Kin dahil parang naging balisa sya.
" Uy Kin? Ayos kalang?" ani ko. Napalunok naman sya at ngumiti. Weird.
" Hi" ani nya. Narinig ko namang natawa si Amanda saka nag-hi narin.
" Oo nga pala! May naiwan lang ako kaya ako bumalik dito! Bye sa inyo!" ngiting sabi nya sa mabilis na tumakbo paalis at nag wave samin. Ngumiti naman ako at nag wave pabalik sa kanya. Muli akong napatingin kay Kin. Sa ngayon umiinom na sya ng magnolia juice at napangiti.
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...