Monday
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Pasuray suray pa ang paningin ko habang nag-aayos ng sapatos ko.
" Oh,baon mo. Teka? Bat ganyan mukha mong bata ka!"sigaw ni mama saka sapilitang iniharap sa kanya ang mukha ko.
" Masaket" mabagal na sabi ko.
" Wag mong sabihin na, nag-aaral ka nang mabuti? Totoo ba yan Yumi? Gusto ko nang ganyan Yumi, pero wag masyadong magpupuyat. Baka mauna ka pa saking tumanda nan" dire-diretsong sabi nito saka naglakad na paalis. Napabuntong hininga naman ako.---
Kinakabahan akong naglalakad sa hallway papuntang room. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung nagyari kahapon. Buong magdamag rin syang nasa isip ko. Tuwing maalala ko, gusto kong magpagulong gulong kung saan!
" Hoy, poste! Aga ha?" napatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Bansot. Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko kahit pa di ko sya nakikita. Mabagal akong naglakad para mahintay sya. Ayaw ko kasing lumingon. Ayaw ko ring sumagot. Hindi ko alam!!!
" Hoy! Bangag ka nanaman!" pang-aasar nya pero wala namang epekto. Kinakabahan talaga ako at di mapaliwanag kung gaano kabilis ang tibok nito. Sa sobrang bilis napahawak ako sa dibdib ko. Feeling ko, magkaka-heart attack ako.
Mayamaya pa nakarating na kami sa classroom. Agad akong umupo. Napasulyap naman ako kay Bansot na nakipag-apiran pa kila Aldous.
" Mayumi, laro! " tawag nya kaya napaiwas ako ng tingin.
" Kayo nalang" tanggi ko nang hindi sila tinatapunan ng tingin.
Kahit ang tumingin sa kanya di ko magawa! Bakit kasi humantong pa sa ganon ang pagkamatakaw nya?! Kahit kailan nakakainis ka Bansot! Anong ginawa mo sakin!
---
" Bilis maglakad ah"Gulat akong nagbaba ng tingin sa gilid ko. Leche! Bat nya pa ako naabutan?!
" Hoy, hindi ka mauubusan." sarkastikong aniya. Sa halip na sagutin ay nagmadali na ako sa paglalakad papuntang canteen. Narinig ko pa syang sumisigaw pero di ko na nilingon. Naghuhurumintado nanaman kase ang puso ko.
" Isa nga pong egg sandwich. Magnolia rin po" agad na sabi ko sa tindera ng makarating. Hindi naman ako mapakali dahil medyo mabagal si Ateng kumilos.
" Isa nga rin po..." napalunok ako ng marinig sya ulit. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nya. Agad ko nang kinuha ang order ko. " Poste, reserve mo kong upuan, salamat"
" Asan na ba sila Amanda?!" taratang bulong ko habang sunusuyod ng tingin ang kabuuan ng canteen. Andaming tao. Dahil sa pagod sa kakatingin ay umupo nalang ako sa bakanteng upuan. Animan iyon pero lima na nakaupo.Nginitian ko ang mga nakaupo, tumango tango naman sila at nagsimula na akong kumain.
" Poste,sabing..." bakas ang pagkadismaya sa boses nya. Tumingin ako saglit saka kumain ulit. "Wala e" mabilis na sagot ko.
" Captain, dito!" mabilis akong napabaling kung saan dahil sa pesteng boses na yun. Agad namang umalis si Bansot at umupo sa tabi ni Milliana. Mayamaya pa ay bigla akong pinandilatan ng mata ni Milliana at saka dumila! Peste ka talagang babae ka!
" Yan kase... Iwas pa more" agad akong napalingon sa gilid ko. Gulat akong nakita si Amanda na nakaupo na sa tabi ko.
" Bakit ka nandyan?! Saka asan na si Kin? Kanina ko pa k---"
" Ikaw ha! Hanggang ngayon ba naman si Kin parin?"
Taka akong napatingin sa kanya. " Huh?"
" Wala! Haha! Ayun sya oh! Kanina pa namin kayo napapanuod"
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...