Chapter: 10

99 15 0
                                    

Bigla nalang akong napaiyak ng wala sa oras. Gusto kong magsumbong! Gusto kong sabihin lahat sa kanya dahil wala akong makausap tungkol dito. Wala rin naman akong choice. Pero pinapangunahan ako ng isip ko, na baka asarin nya lang ako!

Tumingin ako sa mata nya at halata namang seryoso sya. Kaya huminga ako ng malalim bago magsalita.

" K-kasi..." bigla ay kumibot ang labi ko at muling tumulo ang luha ko. Bigla naman syang lumapit habang nakakunot ang nuo at hinila ako ng marahan saka pinaupo sa pader katapat ng railings. Nakikita na namin ngayon ang asul na langit.

" M-makikinig ako" seryosong sabi nya habang di nakatingin sakin. Lumunok naman ako at nagsimulang magsalita.

" May iba syang gusto." diretsong sabi ko. Napatingin naman sakin si bansot. Kunot na kunot ang nuo nya.

" Si Kin. G-gusto nya si Aman---"

" ANO!?"sigaw nya sa mismong mukha ko! Leche! Bigla akong napaatras!

" Oo! Ma-matagal na! Matagal na nyang gusto si Amanda! Tapos... Tapos tayo pa ang nagpalapit sa kanilang dalawa!" inis na sabi ko. Napatungo naman si Bansot. Naiinis din ako sa sarili ko!

"Nakakainis. Ang sakit. Ang sakit- sakit. Bakit si Amanda pa? Bakit yung kaibigan ko pa? Bakit... Bakit di nalang ako?" matapos sabihin ay napatungo ako at napayakap sa tuhod ko.

" Assuming ba ako? Hindi ko manlang inisip na, baka ganun lang talaga sya makitungo sa iba. Lahat ng ginagawa nyang kabaitan sakin, ginagawa nya rin sa iba! Kung sa bagay, dun ko nga pala sya nagustuhan! Tanga ko rin e no! Feel na feel ko pagiging special!"wala na kong pakielam kung anong sabihin ni bansot! Basta ilalabas ko lahat! Bahala sya mabingi at magsawa! Ginusto nya yan eh!

"Nakakainis kasi... Hindi ako madaling magka-crush! Hindi ako madaling ma-inlove! Pinipigilan ko, dahil alam ko, di sila babagay sakin!" inis na sabi ko saka tumingala. Nakita ko pa ang dalawang ibon na nakatambay sa railings at nilalanggam sa kasweetan ang dalawa! Pambihira naman oh! Napapa saana ol ka nalang!

"Shoo!!!"sigaw ko saka tumayo, pero may pumigil sakin! Inis kong nilingon si bansot!

" Wag naman yan, ibon yan e" inis na sabi nya saka marahas akong hinila!

"A-aray!" sigaw ko. Nag-sorry naman sya. Napa-irap nalang ako. Pagtingin ko sa railings, wala na yung dalawang ibon. Nabulabog ko ata.

" Bakit di sila babagay sayo?" bigla akong napalingon kay bansot. Kunot-nuo parin syang nakatingin sakin. Huminga naman ako nang malalim saka tumingala. Ang ganda ng asul na kalangitan. Parang gusto kong kainin yung mga ulap!

" Kasi... maliit sila." malungkot kong sabi. Naramdaman ko nanaman ang pangingilid ng luha ko.

" Lahat ng magustuhan ko, mas maliit sakin. Kaya habang maaga pa, pinipigilan ko na. Kaso, mahirap. Kaya hinihintay ko nalang mawala."

"One time, nagkagusto ako dun sa kaklase kong matangkad. Naging close kami."mapait na ngiting sabi ko pa.

" Pero, nalaman kong kaya sya nakipagclose sakin, ay dahil gusto nyang mapalapit kay Amanda" kumibot uli ang labi ko saka tumulo uli ang luha ko.

" Ang galing no? Nangyari nanaman ulit? Hahaha! Ang ganda kasi ni Amanda! Ang cute pa! Pag pinag- combine ang cute at maganda, wala na, finish na! May nanalo na!" natatawa at naiiyak kong sabi! Nababaliw lang?

" Eh ako? Wala akong panama don! Sya maganda. Ako? Matangkad lang! Sya matalino. Ako---"

" Wag mo ngang ikumpara ang sarili mo sa kanya!" singit nya!

" Wag ka ngang sumawsaw! Nagsasalita pa ko!" inis na sabi ko! Magsasalita pa sana sya pero mabilis akong nagsalita ulit.

"Matalino sya. Tapos ako, napakabobo. Sa project lang umaasa para makakuha ng grades. Sa mga pa-pageant sya yung pinapasali kahit di sya matangkad. Bakit di nalang ako? Ako nababagay dyan dahil matangkad ako! Pero... Maganda kasi e. Matalino pa. Bat ako ang isasali kung lahat ng utak ko napunta sa buto-buto ko? Sabi mo nga wala kong boobs, tae. Totoo naman e. Tama rin yung sinabi mong poste ako. Poste ako at hadlang palagi sa nagkakagusto sa kanya.Poste ako na nakaharang kay Kin---"

" Tumigil ka na. Ayaw kitang sapakin katulad ng ginawa mo. Gusto kitang kotongan para gumanti at para narin magising ka sa sinasabi mo." seryosong sabi nya habang nakatingalang nakatingin sakin.

" Alam kong alam mo, na kahapon lang nangyari rin sakin yan. Nakakainis mang aminin pero, ikaw ang nagparealize sakin ng mga bagay-bagay. Post-- este Mayumi. Makinig ka, ngayon ko lang sasabihin to sayo." serysong aniya.

" Sinabi mo nga na lahat ng wala sa iba ay meron ka at ang meron sa iba ay wala ka. Sinabi mo rin na may iba't iba tayong kakayahan. Alam kong meron ka noon Mayumi. Meron kang charm na wala si Amanda." seryosong sabi nya. Napakunot naman ang nuo ko.

" Kahit talino manlang wala ako. Ano bang pinagsasabi mo?!" inis na sabi ko!

" Ano naman kung wala? Pwede mo namang pag-aralan yan! Pwede kang maging matalino kung mag-aaral ka lang ng mabuti! At isa pa, hindi lang naman sa katalinuhan nagugustuhan ng isang tao, Mayumi. Kung may mabuti kang puso at malinis ang hangarin mo sa buhay tiyak na maraming magkakagusto sayo. Hindi lang naman sa panlabas na anyo nagkakagusto ang isang tao Mayumi." napanganga nalang ako kay bansot!

" Tch, pero lamang parin kung maganda ka---"

" Wag kang sumawsaw may sasabihin pa ko!" inis na sabi nya. Matic namang napahampas ako sa kanya. Natawa naman sya! Abnormal!

" Mayumi, tamang tao lang ang dadating sayo. Yung tinatawag nilang 'the one'--"

"The big one?--- Aray! Nakakailan ka na ha!"inis na sabi ko saka napahawak sa ulo ko! Kinutongan nga ko! Huhuhu!

" Baliw! Makinig ka lang!"

" Oo na!"

" Sinasabi ko, yung 'the one' hindi 'the big one'. Yun yung taong nakalaan para sayo. Sila yung kahit anong flaws mo sa katawan, kahit masama ka pa, kahit anong kamalian ang meron sayo, mamahalin at mamahalin ka.Kaya hintayin mo lang Mayumi. Dadating din ang taong yun. Kapag dumating sya, hindi ka mo na ikukumpara ang sarili mo sa iba. Kasi ikaw lang sapat na!" proud na sabi pa nya. Tch! Infairness ha. Andami nyang nasabi na hindi ko akalaing mangagaling sa bibig nya. Napailing-iling nalang ako. Hindi ko akalaing aabot kami sa ganitong usapan. Hindi ko akalaing sa lahat ng tao, sya pa makakausap ko sa ganito.


" Tch. Bilib ka nanaman oh?"ngising sabi nya! Bawas-bawasan lang nya kayabangan nya okay na! Nakakabanas e!
Napairap nalang ako!



" Saka.Maganda ka rin"maya-mayang sabi nya. Bigla akong napalingon ng mabilis. Nakacross arms sya at nakatingala sa langit.


" Pinagsasabi---"



"Quits na tayo" ngising sabi nya pa! Napataas naman ang kilay ko.



" Hoy! Maganda ako! Wag kang ano!"inis na sabi ko saka tumayo papunta sa railings. Rinig ko naman ang lakas ng tawa sya. Lakas talaga mang-trip!



---

Lumipas ang oras ng hindi namamalayan. Panay lang pang-aasar sakin ni bansot. Hindi ko na tuloy naalala yung sakit sa dibdib ko. Parang biglang nawala. Napalitan ng badtrip dahil sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya na napag-isip isip ko nang susuko na ko. Susuko na ko kay Kin. Pero kinutongan nya lang ako! Sabi nya walang sukuan! Di pa daw natatapos ang lahat! Kaya nabuo ang ' Operation: Kunin ang puso nila'





-.-




"Oy, lagot kayo. Kanina pa kayo hinahanap ni ma'am C3. Palagi nalang daw kayong wala sa klase nya. May problema daw ba kayo sa klase nya?"



Nagkatinginan naman kami ni bansot.


Lagot.

---

Sankyuu

Ang Poste at Ang DuwendeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon