" Im..."
Nakabukas ang mga electric fan pero halos magbaha ng pawis ko rito. Halo halo ang emsyon ko. Nanginginig ang mga kamay ko.
" I'm sorry." bakas ang lungkot na sabi nya.
" Sorry kung ngayon ko lang nalaman at naintindihan nararamdaman mo." dagdag pa nya. Napakapit nalang ako ng mahigpit sa palda ko. Feeling ko nanghihina ako. Kailangan ko ng makakapitan.
" H-hindi ko naisip na... Ganyan pala nararamdaman mo sakin." napahilamos sya ng mukha. " Worst person"
" H-hindi! Hindi mo kasalanan yun! A-ako lang naman m-may gusto sayo e..." pahina na sabi ko. Seryoso naman syang nakatingin kaya napaiwas ako.
" Lahat pala ng mga bagay na ginagawa ko, nakakasakit na pala sayo. I'm really sorry." inis ko naman syang tiningnan.
" Bat ba panay ang sorry mo?"
" I don't know how to say this..." natigilan sya sinapo ang nuo saka seryosong tumingin sakin.
" I never... never kong naisip na magkakagusto ka nang ganyan sakin."
" Ako din." mapait na sabi ko. Napaawang naman ng kaunti ang labi nya saka nagbuntong hininga.
" Mayumi..." parang naghehesitate syang sabihin. Napangiti nalang ako.
" Okay lang. Alam ko naman yun. Alam kong sobrang selfish ko. Hindi ko manlang naisip mararamdaman mo."
" Mayumi"
" H-hindi mo naman kailangang magkagusto rin sakin eh! S-sinabi ko lang... K-kasi ang bigat na. Atleast diba,alam mo na."
Mabilis akong lumabas ng pinto. Ang kaninang mabagal na paglakad ay bumibilis na ngayon. Ang kaninang luha na pinipigilan ay halos matakpan na ang mata ko.
Sabi ko kahit masakit tatanggapin ko. Kahit di mo ko magustuhan okay lang. Pero bakit yung puso ko gustong tumigil sa pagtibok? Parang may nawala sakin. Ganun naba kita kamahal? Bakit pati buhay ko, naka depende sayo?
" Bakit ba ang malas ko? Nagmamahal lang naman ako ah? Bakit di ako magawang mahalin pabalik? Mahirap ba yun? Bakit ba kailangan laging,ako yung masaktan?"
---
" Hoy Ate! Gumising kana daw! May pasok pa!"
Naalimpungatan ako sa pagsipa ni Kisig sakin. Leche. Pamilya ko ba 'to? Parang di pamilya kung makasipa ah!
" Ano?" singhal nya ng magmulat ako. Napabuntong hininga aako saka napatingin sa kisame. Pakiramdam ko, ang tamad tamad kong bumangon.
" Bahala ka dyan,Ate. Mauna na ko sayo. Susunduin ko pa si Lily!" agad na sabi nya saka naglakad palabas.
Bat parang ang tamad ko naman ngayon? Peste! Ayaw makisama ng katawan ko. Hindi naman ako napagod, lalong wala akong sakit. Pero bakit ganito?
" Hoy Ate. Kung ano man yang problema mo, lilipas din yan" agad akong napatingin sa pinto. Nakita ko si Kisig na nakanguso at nakatingin sa labas. Akala ko nakaalis na 'to?
" Alis na ko" mabilis nyang sabi saka umalis. Tulala naman akong nakatitig sa pinto. Ano yun?
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi nya. Wala sa sariling napangiti ako. Ito talagang kapatid ko oh?! Nahihiya pa, pero sa loob loob nya, nag-aalala! Hahaha! Ang swerte ko!
---
Tinanghali ako ng gising. Baliw lang? Tanghali nga diba ang pasok ko. Tinanghali ako sa subject na papasukan ko. Bale inaantay kong magbell para sa recess. Susmiyo! Sana di na ko pumasok!
BINABASA MO ANG
Ang Poste at Ang Duwende
RomanceLove can't measure... Kahit milya-milya ang layo nyo sa isa't isa, basta mahal nyo ang isa't isa hindi kayo matitibag. E hindi naman sa layo yun eh! Paano kung yung i-me-measure mo eh hindi yung layo?! Magkalapit nga kayo pero yung height nyo naman...